A Love of a Lifetime

PUBLIC BETA

Note: You can change font size, font face, and turn on dark mode by clicking the "A" icon tab in the Story Info Box.

You can temporarily switch back to a Classic Literotica® experience during our ongoing public Beta testing. Please consider leaving feedback on issues you experience or suggest improvements.

Click here

Pinisil ko ang aking utong, habang walang habas na kinakain sa baba. Mas lalo pa akong nangingisay ng pumasok ang daliri niya sa aking bukana. Una'y isa hanggang sa maging tatlo. Nilabasan ako, sunod sunod. Walang humpay. At ang hindi ko maipaliwanag na sarap, sa kaloob looban ko, kung saan nasa likuran ng clit, kinanti niya ng mahina ng kuko ang munting laman dun. Sa puntong ito -- di ko kinayanan ang sarap. Di ko napigilang mapasigaw.

"FFFFUUUCCCCCCCCCCCCKKKKKKKKKKKKK!!!"

Halos mabaliw ako dahil alam kung mas dumamo ang katas na lumalabas sa akin. Hindi ko alam kung anong ginawa niya. Gusto ko ng mahimatay. Hindi ko na kaya, please tantanan mo na, sobra na. dumoble yata ang palpitation ng aking pulso. Nang tigilan ako ni Carl, basang basa siya ng aking nektar. Nakaluhod pa rin.

"My God!! Dios ko, saan ka natuto niyan, syettt!... ano yun... saan nanggaling yun.."

Paisa isa ang paghinga. Hawak ko na ang dibdib hindi dahil sa pagod kundi dahil sa matinding sensasyon na pinagdaanan ko sa loob ng ilang minuto. Per di pa tapos ang round. Tumayo siya at inalis ang pantalon, brief at pinaalpas ang kanyang sandata. Sintigas na nito ang bato, nakatayo. Naglalaway.

Inutas ko na rin ang aking skirt pero pinigilan niya ako.

"Huwag. Huwag mong tanggalin."

"Ha.."

"Masarap kumantot pag nakapalda.."

Siya na ang nagtaas ng laylayan hanggang sa aking puson. Parang humihilab ang mga laman ko lalo na nung ikiskis niya ang ulo sa biyak, at walang abisong isinalang.

SAGAD!

"AAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHH"

Malakas na parang nakadiin ang pagkaka pasak niya ng sandata. Saglit siyang tumigil. At nag tanong.

"Do you love me..?"

Tumango ako.

"Say it."

Pinaiikot niya ang kanyang sandata sa loob. Nararamdaman kung parang bumabarina ito sa aking boung kalamnan.

"I love you.."

"Louder"

"I love you!!"

Kumadyot siya ng pinakamalakas, kaya napa ungol muli ako. At muling titigil habang nakasagad sa kaloob looban. Hindi na ako nakatiis.

"Sige na.."

"What..?"

"Kantutin mo.."

Saka niya walang habas na binayo ng binayo ng malalakas ang aking pussy. Sagad na sagad bawat pasok. Umuga ang kama. Umuga ang aking malaking mga suso. Nakasampay na ang kaliwa kung paa sa kanyang balikat. Nakatukod ang paa niya sa sahig, habang walang humpay niyang binabarina ang aking pagkakababae. Dalawang beses pa akong nilabasan, bago umabot sa sukdulan.

Lupaypay kaming bumagsak sa kama. Alas singko pa lang ito ng hapon.

****

Lumabas lang kami saglit mga alas otso kasi nakaramdam ako ng gutom.Plano ko bukas, dahil linggo makapag simba man lang. Hapon pa naman ang flight ko kaya aayain ko si Carl. Kumakain kami pero napapansin kung iba ang atension ni Carl. Palinga linga ito sa aming likuran. Hindi ko naman pinansin. Sa tagal niyang nagtrabaho dito, sure ako na may mga kakilala pa rin siya.

Pagbalik namin sa hotel, sinabi ko ki Carl ang schedule namin sana, kung ok lang sa kanya. Hindi naman siya tumanggi.

****

Nakatayo lang kami sa Simbahan ng Quiapo sa dami ng tao. Nagdadasal ako sa Poun ng Nazareno na sana iligtas niya sa biyahe ang aking anak. Ang buong taon nitong paglalayag. Si Abby, sana ay hindi dapuan ng ano mang karamdaman.

Ipinagdasal ko rin si Carl.

Sana totoo na ito. Sana ito na ang huli. Nakapikit ako, ng mapansin ko ang kalabit niya.

"Cha, kailangan na nating umalis."

Pinandilatan ko siya kasi di pa ako tapos. Buti naman at naintindihan niya. Di na ako ata makakapila sa Nazareno, kasi tama si Carl, baka abutin kami ng tanghali sa haba ng pila ng mga deboto.

Paglabas namin, aliw na aliw ako sa mga paninda sa bangketa. Gusto ko sanang bumili, kaya nag hahanap ako ng pwedeng maipasalubong sa aking mga kasamahan sa opisina. Mabagal lang ang mga lakad ko na nakatingin sa mga naka display sa tabi.

Mahigpit ang pagkakahawak sa aki ni Carl nung una, nang mapansin kung, kinalas niyang pagkakakapit sa akin. Pagharap ko, bigla niya akong tinulak. Malakas. Humandusay ako sa mga nagtitinda sa baba, at biglang nagliparan ang mga paninda. Gulat na gulat ako sa ginawa ni Carl, kaya nung makakapit ako sa isang silya upang bumangon, biglang kumabog ang dibdib ko dahil pagtingala ko, nakikipag-agawan ng baril si Carl sa isang lalake. At wala pang limang segundo pumutok.

BANG!

Napasigaw ako kasi tinamaan siya sa mukha.

"CCCCAARRRRRLLLLLLLLLLLLLLL"

Gusto kung bumangon pero may humahatak sa aking balikat, pinapadapa ako. Bago pa man ako muling maka kilos, isa pang putok ng baril ang maririnig.

BANG!

Nagsigawan ang mga tao, nagtakbuhan sa ibat ibang sulok upang magtago. Kitang kita ko ang pagbagsak ni Carl sa semento. Kitang kita ko ang mga mata niya. Duguan ang bibig at mukha nito.

"CAARRRRRLLLLLLLLLLLLLLL."

Dalawa pang putok ng baril ang maririnig na umalingawngaw sa paligid

BANG! BANG!

Bumagsak ang lalaking bumaril ki Carl. Sa likod nito ang dalawang pulis na nakaluhod at ang isa nakakubli sa poste. Halos malinis na sa tao ang apat na dipang lawak sa paligid kung saan naroon si Carl. Nakatingin sa akin. Bumubola ng dugo ang bibig.

Naliligo na rin sa dugo ang kanyang katawan.

***

Sumama ako sa naka standby na ambulansiya malapit sa may simbahan, ng kunin si Carl. Nag hintay pa ng isa pang ambulansiya ang iba pang mga pulis para sa nakahandusay rin na katawan ng lalaking namaril. Litong lito ako sa pangyayari. Hindi ko ito inaasahan. Pinag mamasdan ko si Carl, habang natatakpan ng emergency oxygen ang kanyang mukha, habang binabaybay namin ang pinakamalapit na ospital.

***


Duguan na rin pati ang damit ko. Kalahating minuto na si Carl sa operating room. Hindi ko alam kung sino ang tatawagan, sino ang kakausapin. Hindi ko alam kung sino ang kamag anak ni Carl dito sa Manila upang ipaalam. May ilang mga taga media na ang nasa may pintuan ng ospital ngunit pinagbabawalan silang pumasok. Naririnig ko ang mga sinasabi nila.

"Si Red ba talaga..?"

"Si Red daw, sabi ng mga pulis.."

"Patay na ba.."

"Nasa operating room. Pero malubha.."

Umiiyak lang ako sa tabi. Hindi ko na naisip ang aking flight pabalik. Hindi ako maaraming umalis ngayon.

~~~~

Mag-aalas kuartro na ng hapon. Katabi ko na si Emily. Lumabas ang isang doktor na babae. Naghanap ng kamag-anak ni Carl hanggang sa ituro ako ng guard. Saka lumapit sa akin.

"Asawa po kayo..?" Tanong ng doktor

"H-Hindi po, kaibigan niya po ako. Nasa Bicol po ang family niya. Kumusta na po si Carl.."

"Ligtas na po siya" Sabi ng doktor.

Nakahinga ako ng maluwag, yinakap ako ng mahigpit ni Emily.

"Dadalhin namin siya sa recovery room in a while. Tumagos lang ang bala sa magkabilang pisngi at yung tama sa likod, tumagos rin sa may tagiliran. Wala namang na-damage na organs. Kailangan lang po namin ng dugo, meron kami dito sa ospital pero kailangan ng pampalit kaya maghahanap po kayo ng donors, o bibili tayo. Type-B po ang pasyente. Mga 1,500 cc po ang kailangan natin."

"Sige po. Salamat po Doc."

Binigyan niya ako ng ilang piraso ng mga resetang kakailanganin para sa recovery ni Carl, saka umalis ito.

****

Mahigit labing dalawang oras bago nagisinng si Carl. May tahi siya sa magkabilang pisngi niya. Me damage ang gums niya at tila, nabuwal rin pati ang bagang nito, kaya hindi siya makapag salita sa unang mga oras. Senyas lang ang naging kumuniskasyon namin. Ilang beses ng pabalik balik ang mga pulis, pero tanging ako lang ang nakakausap sa nangyari.

Sumunod na araw dumating si Jerry. Nagpakilala siyang kaibigan ni Carl galing sa Bicol. Pulis siya at gusto niyang tumulong sa imbestigasyon. Tulog si Carl kaya inanyayahan niya ako sa canteen ng ospital.

"Nababanggit ka niya sa akin lagi Cha."

Tumango lang ako.

"Nainform ba yung mga anak niya..?" Tanong ko.

"Ako na ang pinapunta dito ng mother niya, nasa kanya yung tatlo, gusto nga sanang sumama ng panganay kaya lang sabi ko, delikado pa ang sitwasyon." Sabi ni Jerry. Kumuha siya ng maliit na notebook at ballpen.

"Cha, pasensiya ka na ha, pero nakita mo ba mismo yung incident, nakilala mo ba yung bumaril?"

"Hindi eh, kasi si Carl ang tinitingnan ko, nung makita ko kung saan galing ang putok, bumagsak na yung bumaril." Sagot ko "Kumusta na yun Namatay ba?"

"Tumawag na ako sa Station 6 , buhay pa daw. Pero nasa recovery, may tama rin kasi sa likod at paa." Sagot niya. "So, walang nabanggit sayo si Carlo kung halimbawa the past hours me napapansin siyang kakaiba?"

"Wala" Sagot ko.

"Base kasi sa statements lalo yung mga nandun sa bangketa, itinulak ka ni Carl, tumakbo at linundag niya ang suspek. If that was the reaction, malamang nasipat ni Carl ng maaga bago pa nakapaputok. Nakilala niya ng maaga kaya nung makasalubong, pilit sanang inagapan ang shooting. Otherwise, iba ang mangyayari, tatamaan na lang siya kasi hindi niya alam. Right now, puzzled lahat sa Crame kung sino pa ang natitirang me galit ki Carl. Matagal na kasi siyang wala sa limelight ng media."

Tumango lang ako. Actually, wala akong naiintindihan sa mga sinasabi ni Jerry.

"Anyway, eto yung card ko Cha, kindly text or call me kung magising siya. Puntahan ko yung suspek baka me makuha na akong information."

Tumayo ako at nakipagkamay ki Jerry.

****

Nakapag sasalita na ng paisa isa si Carl sumunod na araw. Nakaka kain na rin ito kahit lugaw lang. Tinanong niya ako kung bakit nandito pa ako, dahil baka mawalan daw ako ng trabaho.

"Tumawag na ako ng emergency. Pero babalik ako by Sunday, ok lang sayo..?"

Tumango siya. Binigyan niya ako ng assurance sa kanyang mukha na ok lang siya. Nginitian ko siya habang sinusubuan. Mga ilang minuto pa, dumating si Jerry.

"Bok.. ok ka na?" Tanong nito ki Carl.

"Bok" Sagot ni Carl.

"Tamang tama." Tiningnan ako ni Jerry, ngintian. "Upo ka Cha."

"Ready na kayo na marinig what happened..?" Sabi ni Jerry. Inayos ang pagkakaupo sa isang maliit na sofa ng room.

Nagkatinginan kami ni Carlo. Tumango siya ki Jerry. Kinuha ang kanyang maliit na notebook.

"Ok. Here we go. Ang suspek, ang pangalan Gerardo Trampe. 58 years old, me asawa apat na anak. Dating sous' chef ng mahigit dalawang pung taon sa Greece. Umuwi dito sa Pilipinas noong 2005. Kalaunan, nag kaproblema at naging wanted sa mga kasong, Murder, Frustrated Murder at Arson. Matagal na siyang nasa listahan ng 10 Most Wanted ng PNP sa ARMM."

Nagulat si Carl. Nakikinig lang ako.

"Ano naman ang kinalaman ko dun sa Mindanao Bok? Bat naman ako babarilin dito.." Sabi ni Carl medyo garalgal ang boses.

Tiningnan ni Jerry si Carl at ako.

"Bok.." Sabi nito. "You're missing the point, hindi ikaw ang target."

Nagtaka ako.

"Sino?" Sabi ko.

Napatingin si Jerry sa akin. Medyo ikinagulat ko ito. Nabigla lalo na si Carl at napasigaw..

"Si Cha?"

"Let me finish." Sabi ni jerry. "Ang una niyang biktima, Arsenio Bataller... ang dating.."

Dito, pinutol ko na si Jerry. Oh my god. Alam ko na. Ako na ang nagpatuloy.

"...Manager ng Southern Philippines Bank... sa Iligan City" Dugtong ko.

Napatingin si Carlo at Jerry sa akin.

"Tumpak" Sabi ni Jerry. At nagpatuloy muli ito ng salaysay...

"Si Bataller ay Binaril sa ulo habang namamalengke. Sunod niyang biktima, si Peter Chan, may ari ng banko ngunit nabuhay ito, kahit me tama ng bala sa dibdib. Si Trampe rin ang suspek ng sunugin nito ang Golden Aces Resort sa Iligan na pag-aari ni Chan."

Muling napatingin sa akin si Jerry.

"At matagal ka niyang hinahanap Cha, dahil ikaw ang Assistant Bank Manager ng maganap yun. Di ko lang alam kung bakit nung nasa Iligan ka pa, di ka niya makita. Pero, nag pursigi siya sa paghahanap ng mga dating empleyado. Hanggang sa makita kayo ni Carl noong nakaraang sabado sa Bit Bites restaurant sa Makati. Marami siyang mga koneksion na pinagtatanungan. Siguro, nasiraan na ito ng bait, kasi balak niya yatang ubusin ang lahat na mga naging empleyado ng bangko niyo."

Huminga ako ng malalim. Naalala ko na. Napa-iling ako kung bakit magagawa niya ito. Kaya ipinaliwanag ko..

"May savings sa amin si Mr. Trampe, three point seven million. Ipon niya sa pag ta-trabaho niya sa abroad. Nung mag-sara ang bangko, halos one hundred thousand lang ang nakuha niya. Kinulang pang pang-ospital ng panganay niyang anak na nagkasakit ng leukemia. Ang perang nasa bangko, kundi lang lang sakit ang anak ni Mr. Trampe gagamitin sana sa pagpapatayo ng maliit na restaurant sa Iligan. Nawala lahat ito dahil ginamit ng me ari ng bangko ang pera, na until today may kaso."

Kapwa nakatingin sa akin si Jerry at Carl. Naiiyak ako.

Hindi ko ito inaasahan.

===========================

PART THREE

CARLO:

Walong buwan ang makalipas mula ng maganap ang trahedyang hindi pa rin maalis sa aking isip ang mga pangyayari. Buti na lang mabilis akong nakarecover. Nakabalik na rin sa normal ang aking katawan dito sa lalawigan, upang mas mabantayan ang aking lupang pinagkukunan ng hanap buhay. Bukod sa bakas ng alaala sa naiwan sa aking panga at likod -- wala naman nagbago sa akin at tila pakiramdam ko nga ay mas lalo akong lumakas.

Sa mga pagkakataong ganito, nag iisa ako dito sa aking farm house, iniisip ko si Cha. Naiisip din niya ba ako ngayon? Natatanong ko minsan ang aking sarili.

***

"Mukhang lagi kang nakangiti ngayon Bok?" Anas ni Jerry, nagkakape kami sa Downtown.

"Ano bang ngiti? Natutuwa ako't nakauwi ka ngayon. Wala akong makausap na matino."

"Kamusta si Cha?"

"Si Cha, mabuti naman. Gusto na niya ata mag settle-down for good at umuwi na dito, napapagod na rin daw siya dun."

"Magpapakasal na kayo? Uuwi na siya dito?"

"Woo! Relax, uuwi lang siya sa Pilipinas. Wala pang kasal."

"Bakit? Di mo pa inalok?"

Napatitig ako sa kanya. Matagal na segundo. At saka sumagot..

"Puwede ba ako ikasal Bok?"

Hinapuhap niya ang kanyang bibig at umayos ng upo saka muling bumanat.

"Kung gugustuhin mo, magagawan ng paraan." Dugtong ni Jerry. "Have you thought about annulment? Nag usap na ba kayo ni Maya?"

Ininom ko ang lumalamig na kape. Wala akong maisasagot sa tanong na ito. Kaya muli kung tinitigan ang crossword puzzle sa Philippine Star. Sinagot ng utak ko paisa-isa ang mga patlang at tiningala sa langit ang ibang hindi ako siguradong angkop na sagot.

"Ayos ka lang?" Tanong niya.

"Ok lang."

"Hoy, si Maya. Ano? Nag-usap na kayo?"

Hinarap ko siya, halatang medyo irita ang mata ko dahil naningkit.

"Bok, huli kaming nagusap January last year. Debut ni Danica. Saglit na usap lang, para lang sa mga bata. Pangungumusta lang. Wala na kaming napag usapan na iba."

"Mag move-on ka na. Okey na si Cha. Okay ka na kay Cha."

Ewan, sumikip yata ang dibdib ko. Minsan, brutal na kausap itong si Jerry. Walang pakiramdam.

"Yung mga anak ko tiyak ko ililitson ako ng mga yun Bok." Paliwanag ko. "Kung mag-girlfriend nga eh, kala mo mga nanay at tatay ko sila kung bumantay, tapos pakakasal ako."

Oo, takot ako sa magiging reaksion ng mga anak ko.

Napatigil ako sa paghinga.

Lumakas yata ang pintig ng aking puso at pulso dahil parang lumitaw ang mga ugat sa aking sentido. Pinakalma ako ni Jerry.

"Relax. Tao ka lang. You need things na hindi pwedeng ibigay ng mga nakapaligid sa'yo ngayon. Tingnan mo ang palad mo Bok, pasmadong nangangalyo na. Di ka ba nagsasawa sa ganun?" Sinalsal niya sa hangin kanyang kanang kamay.

Tuloy, mas namula at talagang napamura ako ng malutong.

"Pu-tang-ina ka Bok!" Naipatong ko ang kamay ko sa baril na nasa clutch bag ni Jerry sa ibabaw ng mesa.

At sabay kaming napahalakhak.

Kami ni Jerry at sana kung andito sa Paeng, hindi nga yata kami nag mature. Utak pulburon pa rin kami tuwing nagkakaharap. Pero naiibsan ang mga pagod ko sa mga ganitong mga pagkakataon.

Bihira ito.

Dahil sabado, wala akong sundo sa eskuwela kaya mga alas siete na ako ng gabi naka uwi sa bahay dala ang aking pinamalengke. Kumpeto ang mga anak ko ngayon dahil bakasyon sa UST sa semestral break. Sa hunyo, graduate na ang panganay ko.

Dalawa na lang, makakahinga na ako ng lubusan.

Pagdating sa bahay medyo nagtaka ako kasi nakabalandra sa gate ang isang Honda CRV. 'Sino ba naming bastos me ari nito't hinarangan ang gate.' Wala naman akong inaasahang bisita.

Ipinarada ko sa likod ng sasakyan ang kotse ko.

Bumaba ako upang sitahin kung sino ang nagmeme-ari ng sasakyan sa labas. Sinalubong ako ni Meowser at Chowder, pusa at aso namin na kung umasta ay tila magkalahi dahil sabi ng mga anak ko, matalik silang magkaibigan. Nagsasalo pa nga sa pagkain. Siguro'y narinig ng mga tao sa loob ang pagdating ko kaya bumukas ang screen door at lumabas ang anak kong binatilyo.

"Jed, kanino bang sasakyan yan?"

"Pa, me bisita ka."

Lumabas na rin ang panganay ko na si Danica na kahit dalaga na tinatawag ko pa ring, 'Baby girl' kasama si bunso, si Jacklyn na kalaunay nakasanayan ko ng tawaging Jack. Boyish kasi. Sabay silang bumati.

"Hi Papa. "

"Ang tagal mo nakakainis ka. Grrr." Anas ni bunso.

Humalik sila sa aking pisngi. At nagmano. Saka parang mga sakristan na umalalay sa akin papasok habang nagtataka ako sa matalinhagang salubong.

Kakaiba.

Pumasok kami sa sala. Doon tila binuhusan ako ng semento sa pagkakatayo. Narito at nag-aantay sa akin ang hindi ko inaasahang makikita ko pa sa buong buhay ko..

"Maya?"

"Carl."

Eight and a half years. Ngayon lang muli nagpakita ang babaeng ito. Sampalin ko na ba? Tadyakan kaya? Murahin? Ito yung mga ngitngit ko noon at agam-agam mga ilang buwan, matapos niya kaming layasan. Liban sa sulat ng pamamaalam, wala kaming naging balita sa kanya -- hanggang dalawang taon. Nang makunpirma ko nasa Canada na nga siya.

Ngayon, ito magkaharap kami. At hindi ako maaring magpatalo. Ako dapat ang in-charge dahil bisita lang siya. Hindi ako titiklop.

Maton ako.

Barako.

Macho.

"Jed, kunin mo sa kotse yung pinamalengke ko, paki-ayos sa kusina." Utos ko.

"Opo. Ay Pa, nilagay ko sa likod yung maong ko, pakilabhan mamaya."

Hayop na anak ko 'to, laging wrong timing. Gusto ko pa naman sana maging macho ngayon, e.

"Ok, sige. O yung isda, wag mong iwan sa lababo. Hugasan mo, lagay mo sa ref."

Naupo ako sa sofa. Nakita kong manghang mangha si Maya.

"Upo ka. So, kanina ka pa? Kelan ka dumating dito sa Bicol?"

Wala na ang mga babae kong anak. Pumasok na sa kwarto nila. Nag-lock.

"N-nung Monday."

"A-Anong balita?"

"W-wala. Ganun pa rin."

Sa unang pagkakataon, inaninag ko ng husto ang aking dating asawa na kaharap ko ngayon. Kayhaba na mga panahong kinain kaya't iba na rin ang itsura niya. Mas maputi dahil siguro sa klima sa Canada, may highlights ang kanyang buhok. Makinis parin siya, mula mukha hanggang sa mga binti. Chinese-Filipino genes.

"C-Carl, pwede ba tayo mag dinner sa labas ng mga bata ngayon."

Tsk. Nangingintab siya sa pawis. Mainit ba? O me nerbyos na nararamdaman?

"Tinanong mo na sila?"

"Oo, eh kaya lang busog daw sila. Gusto ko sanang lumabas tayo, kung pwede."

Tapos na si Jed na maiayos ang mga pinamalengke ng dumaan siya sa amin.

"Electric fan anak, pinagpapawisan ang Mama mo."

Pero tiningnan lang ni Jed si Maya. At umusal..

"Hayaan mo siya."

Sabay pasok sa sarili niyang silid kung saan halos malaglag ang mga picture frames sa dingding ng isara niya ang pinto. Malakas.

BLAG!

1...56789...12