A Love of a Lifetime

PUBLIC BETA

Note: You can change font size, font face, and turn on dark mode by clicking the "A" icon tab in the Story Info Box.

You can temporarily switch back to a Classic Literotica® experience during our ongoing public Beta testing. Please consider leaving feedback on issues you experience or suggest improvements.

Click here

Nag umpisa ito nung ang isang costumer na may depositing seven million pesos ay humingi withdrawal ng six million pesos, para sa itatayo niyang negosyo. Nagulat ang management, kasi walang maagang abiso kaya humingi kami ng palugit na bigyan niya kami hanggang kinabukasan ng hapon. Pumayag ang depositor, pero hindi ko alam kung bakit hindi inasikaso ng aming management ang withdrawal request, upang mag abiso na sa central bank. Kung laman ng vault ang pag uusapan, maaring may nakatago kaming nasa five million pesos cash dahil sa patakarang naka deposito ang lahat ng pera sa bangko sentral.

Nung bumalik ang costumer at nalamang hindi pa siya makaka withdraw, nagwala ito nag sisi-sigaw sa sa loob ng bangko na maraming mga tao.

Nakalma lang nang paunlakan siyang makadala ng four million pesos. Pero hindi namin nakontrol ang ginawa ng costumer paglabas sa bangko. Nagpa interview ito sa isang lokal na radyo, dahil daw sa ginawa sa kanya at pinalaki nito ang apoy ng magbigay siya ng opinyon na wala daw pera ang bangko dahil baka daw ginastos ng may-ari sa itinayong hotel at resort.

Nagkagulo kinabukasan.

Daang daang mga depositors ang pumila sa bangko upang i-withdraw ang lahat nilang deposito. Nataranta kami. Sa huling talaan ng audit, merong kaming aabut sa three hundred million solid cash-in savings na dapat ay nakatago sa Central Bank. Dahil dapat kailangan ang abiso at dahil dapat makuha namin ang pera, hindi kami makapag pa unlak ng isahan sa lahat ng withdrawals. Nagalit ang mga tao at pinag babato ang aming gusali. Dumating ang mga pulis pero nagpatuloy ang stand-off hanggang gabi, bago kami nakauwi.

Nung sumunod na araw, isang note ang natanggap ko na pinag iipon kami ng may ari ng bangko sa kanyang resort at doun idineklara niya ang pagsasara. Babayaran kami ng separation pay depende sa taon ng serbisyo. Katakot takot na kaso ang inabut ng may ari, at pati mga empleyado hindi nakaligtas sa pangungutya at pananakit ng ibang naghihimotok na depositors.

Huli na ng mabalitaan kung ginamit nga ng may-ari ang pera sa kanyang ibang mga negosyo sa pagkakaakalang maibabalik niya ito sa loob ng anim na buwan, dahil sa apat na kasosyong nangako ng investments. Pero, tinakasan siya nung halos tapos na ang hotel at resort.

Hindi maiwasang marami ang magalit, lalo na nung nag take over ang Philippine Depositors Insurance Corporation at inabisuhan ang lahat sa may mga naka deposit na isang milyun pataas, five hundred thousand pesos na lang ang makakabalik sa kanila - que si hoda ilang milyun ang naipatago sa amin. Apat na linggo matapos nito, binaril sa ulo ang aming bank manager habang namamalengke sa Iligan City Public Market.

~~~

Nanatili muna ako sa bahay upang asikasuhin ang aking mga anak. May plano pa naman akong mag trabaho pero iniisip kung ipagpaliban muna ito, dahil plano kung lisanin ang Iligan bunsod ng pangyayari. Maliliit pa noon sina Ken at Abby at hindi ko pa basta maiiwanan.

Ngunit ng namalagi ako sa bahay naging mainitin ang ulo ni Benj. Lagi kaming nag aaway kahit walang kwentang bagay. Halos napabayaan nito ang shop kaya dumalang ang costumer. Humina ang kita kaya sumakit ang ulo ko sa mga pumapatong na bills at iba pang bayarin.

Ang pinakamatinding dagok, ay ng marinig ko sa balita na nasa costudy ng mga pulis si Benjie. Kasama raw siyang dinampot sa isang pot session, nang mag-raid ang Philippine Drug Enforcement Agency sa bahay ng kanyang kaibigan.

Sa unang pagkakataon, humiram ako ng pera sa aking nanay at kapatid upang pampiyansa ki Benjie. Hindi ko maintindihan kung bakit nagawa niya ito sa aming mag iina. Unay inunawa ko siya, dahil umiral ang aking awa at habag.

Pero lalong tumatagal, mas lalo siyang nalulong sa shabu. Nagkapang abut na sila ng aking nakatatandang kapatid na lalake kaya nagulpi ito. Binalaan siya na asikasuhin kami, pero bingi si Benj.

Maraming taon akong nagtiis, hanggang sa muli itong mahuli. Sa pagkakataong ito, hindi dahil user. Hinuli siya dahil nagtutulak na siya. 44 grams ng solid drugs ang nakuha sa kanya, kaya wala itong piyansa.

Ang mga kamag anak ko na ang nakiusap sa akin na iwanan ko na ang aking asawa. Nag-usap pa kami sa kulungan. Muli siyang humingi ng tawad. Nangako. Iniyakan ko siya. At parang mabigat na ang lahat.

Mahigit na siyam na taon na nagtiis ako. Sa payo ng aking kuya at ina, at dahil na rin sa aming kalagayang mag iina, nilatagan ko si Benjie ng Annulment of Marriage. At dahil convicted siya sa kasong drug abuse at drug pushing mabilis na naproseso ang aming legal separation.

Mga dalawang taon pa bago siya nakalaya, matapos tulungan ng mga kamag anak nito na ma-reverse ang desisyon ng Regional Trial Court na nilakad nila sa Appellate Court. Nakitaan kasi ng violations sa rules of engagement ng isagawa ng mga otoridad ang pag huli sa kanya. Napatunayang walang testigo mula sa barangay o kahit private citizen ng isumite ang affidavits ng composite team na nakunan umano siya ng shabu.

Nung panahong ito, wala na ako sa Iligan, nasa Manila uli ako at nag ta-trabaho sa isang Asian Investment Company, na pag-aari ng isang multi billion conglomerate.

Tatlong taon pa ang nakalipas, tinanggap ko ang alok sa akin sa isang Finance and Auditing Firm sa Singapore.

~~~

Mga alas dyes na ng umaga ng makarating ako sa aking apartment sa Singapore. Sinalubong ako ni Manang na nakangiti, ang caretaker na isang local, na halos naging ina at ate ko na sa pamamalagi dito.

Malapit lang ang opisina namin sa apartment na libreng ibinigay ng aming kumpanya. Malungkot dito dahil malayo ako sa aking mga mahal sa buhay lalo na ang aking mga anak, pero mas minarapat ko na ito dahil sa tatlong bagay. Una, maganda compensation package; Pangalawa, upang makalimot sa mga mapait na naganap sa aking buhay sa sariling bansa at ang Ikatlo, ay upang ilayo ang aking sarili sa mga mapanuksong mundo ng mga lalake umaaligid sa akin -- na isang bagay lang naman ang kailangan. Inisip kung isara na ng tuluyan ang aking puso ng magampanan ko ng lubusan ang pangangailangan ng aking mga anak.

Hanggang sa matagpuan ko ang social networking. Na-aaliw ako sa gitna ng maraming trabaho dito sa ibang bansa. Marami akong nakilala na tulad ko may mga suliranin din sa buhay at pinag kaitan din yata ng kasiyahan. Dito ko na rin nakilala si Emily.

Kahit nasabi kong iniiwasan ko ng umibig muli at kahit nasa malayo ako, dumarating pa rin ang mga pagkakataon ng pangangailangan. Noong una, inisip kung mag karoon lang relasyon upang maibsan ang aking kalungkutan kahit walang commitments. Dito ko nakilala si Tim. Mas bata siya sa akin. May asawa at may mga anak. Sa kabila nito, nabihag ako ng mga magaganda niyang tula sa Facebook. Naging magkaibigan kami.

Hanggang sa magkita nung una akong umuwi, tatlong taon na ang nakararaan. Nagtalik kami. Naging routine na magkikita kami tuwing uuwi ako sa Pilipinas. Pero habang tumatagal, nakaramdam ako ng insecurity. Parang gusto ko ng kasama. Yung mamahalin ako at sasamahan ako hanggang sa pag puti ng aming mga buhok. Hindi ito maibigay ni Tim. Hanggang sa naganap ang nangyari kagabi, bago ako umalis pabalik dito sa Singapore.

~~~

Naiayos ko ng muli ang aking mga gamit. Natuwa na si manang sa pasalubong ko sa kanyang hopia. Binuksan ko ang aking laptop saka nag shout sa aking wall.

Lost my phone. :(

Wala naman masyadong aksion ang mga friends ko, kaya natulog muna ako dahil sa pagod at puyat. Mag-aalas tres na ng hapon nung magising ako. Nakalatag na sa mesa ang dapat sana'y hapunan na niluto ni Manang, kaya saglit akong kumain.

Pagbukas ko ng aking I-Pad, nakita ko ang message ni Emily sa PM na parang kararating lang.

Emily: Sissy, reply ka asap. Me kausap ako now, Carl daw. Nakuha niya daw ang I-Phone mo, at nag hihintay ng instructions.

Mabilis kung sinagot si Emily.

CHA: HA? AY THANK GOD SIS :D

CHA: Baka naman pwede mo makuha Sis, padalhan ng kita ng cash para mai-ship papunta dito ang phone, andiyan ang mga files ko. :)

Typing message...

EMILY: Sure, sige i-meet ko siya now.

CHA: Thank you sis. :D

Gabi na nung muli kaming mag usap ni Emily. Nakuha na niya ang phone, at pinag usapan namin ang details kung pano ito maipapadala sa akin dito. Naikwento ko ang nangyari sa amin ni Tim. She feels sorry sabi niya, pero siguro yun na daw ang pinaka mainam na desisyon.

~~~

Tatlong araw na ang nakalipas. Gabi. Tapos pa lang akong mag dinner, nakita ko ang friends request mula sa isang lalake na ang pangalan ay John Carlo Amarillo at recommended ni Emily. Hindi ako basta nag-a-add ng mga hindi ko kilala, pero dahil suggested ng aking kaibigan, pinindot ko ang accept button. Sa isip ko makilatis lang..

Binitawan ko ang I-Pad sa mesa upang kumuha ng tubig na maiinom sa ref. Napatingin sa wall kung saan nakasabit ang LCD TV. Pinanonood ni Manang sa BIO Channel ang life story ng artistang si Paul Walker. Nalungkot ako. Nung gap ang palabas, binalikan ko ang aking I-pad. Nagulat ako dahil may PM.

CARL: Hi, thanks for the add. I'm the one who found your I-Phone. Nakuha mo na?

Ah, siya ang nakakuha ng phone ko, kaya pala sinuggest ni Emily. Naupo ako at nag type. Mabilis saka nag send.

CHA: Aha, ikaw pala ang salarin. Hahaha.

Pero napaisip ako, bat ko naman sinabing salarin? Kaya nag type uli ako.

CHA: Yes, nakuha ko na. Salamat. :D

Typing message...

CARL: Buti naman. Hinabol ka pa namin, kaya lang ambilis mo eh.

Hinabol? hindi ba ito yung taxi driver? Iniwan niya ang sasakyan niya? Teka pano niya nakuha ang phone?

CHA: Wait, pano niyo po nakuha?

Typing message...

CARL: Natumba ako sa bag mo. Yung papasok ka sa door?

Inalala ko ang mga tagpo. Mabilis akong naglalakad papasok sa airport, dahil 4:30 AM na. Ah, teka me natisod nga! Tama. Yung dalawang lalake.

CHA: Ampt! Kayo ba yon? ang kulit niyo ha, nagmamadali ako nun. :D

CARL: Sorry.

CHA: Hindi ok lang. Tingin ko nasaktan ka ah. Ok ka lang? :p

CARL: Am ok. Ayos na.

CHA: Ok, that's good. O sige. Thanks sa pagbabalik ng phone.. :p


CARL: Yes. Welcome. Again, thanks for the add.

CHA: No prob. Sige, Ciao! :p

Tiningnan ko ang ilang picture ni Carl. Hindi gaano malinaw ang profile niya. Baka nga hindi ito ang itsura nito. Pero, ok na rin. At least ibinalik niya ang cellphone ko.

~~~

Ilang gabi ang makalipas, nagkukulitan kami sa post ni Emily.

WE'RE OVER FORTY, SEXY AND STILL MADLY IN LOVE.

Mahaba na ang thread dahil kung ano-ano na ang pinagkukuwentuhan namin. Lalo na pag dating sa tagumpay nilang romansa. Kahit zero ako ngayon, nagbabato rin ako ng mga side comments. Walang ano-ano, biglang nakisawsaw itong bago kung friend na si Carl sa usapang Sexy at 40's.

CARL: Sana makahanap din ako ng lovelife na over 40. :p

Nag-antay ako. Sinagot siya ni Emily.

EMILY: Marami diyan bro. :p

CARL: Papayag kahit me mga anak ako? Hahaha.

EMILY: Oo naman. Hahaha.

Medyo bumilib ako dito ki Carl. Kadalasan sa mga lalake lalo na ang mga mature, pag nambobola sinasabi hiwalay siya sa asawa. Walang nababanggit na anak. Parang ikinahihiya na meron silang mga bagahe upang magpa-impress ng mga babae. Pero itong si Carl, kakaiba. Proud na may mga anak siyang kasama habang naghahanap ng lovelife.

Interesting. Makilatis nga ng maayos. Nag private message ako.

CHA: Pssst.

Typing message...

CARL: Yes?

CHA: Ilang taon ka na ba?

CARL: 42.

CARL: Ikaw?

CHA: Hmm. 43.

Hm, a year younger, baka puwede. Kumusta kaya ang status nito. Tiningnan ko sa kanyang profile, walang nakalagay. Matanong nga.

CHA: Me sabit ka ba?

Hindi agad nag reply ang loko.. ilang saglit lang.

Typing message..

CARL: Separated. Ikaw?

CHA: Annulled.

CHA: So, technically, married ka pa?

CARL: Technically yes.

CHA: Ilang taon na siyang wala?

CARL: Seven years.

CHA: So, ilan ang naging love life mo nung nawala siya.

CARL: Wala.

CHA: Niligawan?

CARL: Wala.

IMPOSIBLE! Sigaw ng utak ko. Tawa ang ni-reply ko.

CHA: Hahahahaha.

Musta kaya ang sexlife nito. Aber at matanong.

CHA: ONS?

Hindi na naman agad nagreply. Nagbibilang siguro.

Typing message...

CARL: Anong ONS

Napakunot ako ng noo. Di niya alam?

CHA: Ons. Di mo alam?

CARL: Hindi nga, anong ONS..

CHA: One Night Stand.

CARL: Ahh.

CHA: So, ilan?

CARL: Wala.

Anak ng... ako ba pinagloloko nito. Sa isip ko lang. Meron bang ganun? Hindi ako makatiis. Natawa ulit ako.

CHA: Hahahahahahaha

CARL: Kanina ka pa, anong nakakatawa dun?

CHA: Gaga. Sinong binobola mo ako. Hahaha.

CARL: Cha, huwag kang maniwala. Hindi naman yan sapilitan. Nagtanong ka sinagot kita. Ano ba naman ang mapapala ko kung magsisinugaling ako. It's up to you.

Kung titimbangin nga naman, wala naman reason para sabihin niya ang mga bagay na ito. Ano ba naman ang mapapala niya kung magsisinungaling. Sige, pagbibigyan ko siya.

CHA: Kunsabagay. :p

~~~

Doon na nag-umpisa ang aming madalas na PMs.

Hindi ko maipaliwanag kung bakit magaan ang loob ko sa kanya. Siguro dahil very open siya sa kanyang personal life sa akin. Siya ang unang nag send ng pictures nilang apat, kasama ang tatlo niyang anak. Tingin ko masaya naman. Binigyan ko siya ng kunting detalye ng aking pagkatao. Nasabi ko nanasa Singapore ako sa isang financial firm bilang finance auditor. Hindi ko itinago ang dalawa kung anak. Tulad niya, kahit hiwalay ako sa asawa, proud akong nanay dahil mababait sina Ken at Abby.

Halos gabi-gabi nagcha-chat kami. Nagkukumustahan. Nagulat na lang sa ika apat na araw, pinasabugan niya ako ng bomba. Nabigla talaga ako. Pero na-excite naman ako ng sabihin niyang..

CARL: Liligawan kita.

Kinilig akong parang teenager. Ambilis, pero gusto ko.

CHA: Ampt! Ambilis naman. Hahaha.

CARL: Please don't laugh. Liligawan kita. At sa oras na ito naguumpisa na ako.

Kumabog ang dibdib ko.

CHA: Ikaw ang bahala. :p

Misteryoso para sa akin ang Carlong ito. May sincerity pagkausap na nararamdaman ko. Dati, hindi ako nagba-babad sa mga PMs lalo na kung walang latoy ang kausap. Pero si Carl, natuto akong magpahalaga, lalo na't alam kung mahirap ang maging tatay at the same time nanay sa mga anak niya. Naghahatid, nagsusundo, nagluluto, pupunta sa kanyang farm, magpapahinga, gigising ng maaga para ipag handa muli ang mga anak, gagawa ng baon, maghahatid. At pag nakakuha siya ng tiyempo, kausap ako. Tila ako ang napapagod sa routine niya araw araw. Hindi tuloy maikakaila na medyo mahabag ako kaya paminsan minsan, inaalam ko kung inaalagan ba naman niya ang sarili.

CHA: Kumain ka na?

CARL: Hindi pa, later pa. Ikaw?

CHA: Kakain na ako, hindi ako pwedeng magutom.

CHA: Anong niluto mo?

CARL: Walang masyado, tortang talong at nag prito ako ng galonggong.

CHA: Namimiss ko yan, masarap yan. :p

Totoo naman. Magaling magluto si Manang, lalo na sa mga gulay na halos pareho rin ng nabibili sa Pilipinas, pero ang mga ganyang lutong bahay na mga simple lang, naglalaway ako. Nakaka-miss.

Nai-impress naman ako dito ki Carlo dahil marunong magluto. Parang nakakatakam minsan ang mga pino-post niyang pictures sa Facebook. Gusto ko one time, makatikim ng kanyang obra sa kusina.

At dahil very proud father, naging lambing ko na sa kanya na tawagin siyang Itay. Minsan nangingiti ako sa tawag niya sa akin nitong mga huli..

CARL: Palalabs...

CHA: Tay. How r u?

CARL: Ang init. Nasunog yata ako sa farm.

CHA: Kumusta ang mga kids, andiyan na?

CARL: Oo, nasundo ko na.

Biglang lumakas ang hangin. Wala si Manang, siguro lumabas ang lola, kaya tumayo ako upang isara ang mga bintana. Isinara ko na rin ang pinto at ang ibang ilaw. Saka ko binalikan ang aking i-pad sa mesa. Dinampot ko lang, at pumasok sa aking silid. Dumapa ako sa kama. Me massage na siya.

CARL: Kailan ka ba uuwi? Gusto kitang makita.

Hm. Nag isip muna ako, sure gusto ko siyang makita. Uuwi ako para isang planadong tour sa Palawan at magpapa despedida ako ki Ken na aalis para sa kanyang one year apprenticeship sa Magsaysay Shipping Lines. Nag leave ako sa katapusan ng buwan. Kaya sinagot ko siya.

CHA: Buti naitanong mo. Ahahaha. :-p

CARL:?

CHA: Uuwi ako three weeks from now.

Typing message...

CARL: Talaga. Wow. That's nice.

CARL: Kelan mo ako sasagutin Palalabs?

Sa pagkakataong ito medyo naseryoso ako. Madali ang pagpasok sa relasyon. Madali ang pag bigay ng commitment. Pero if this guy is for real, gusto ko maayos na usapan. Hindi pa kami nagkikita ng personal, ni hindi ko alam kung ano talaga ang totoong itsura niya, ugali at mga bagay bagay na hindi niya nababanggit sa akin. Kailangan pag isipan ang lahat. At kailangan pag usapan ng maayos.

CHA: Ayoko ng mag-laro Carl. Pagod na ako. Matanda na ako. Gusto ko companionship na totoo. Magkita muna tayo at nang masagot ang mga bagay bagay.

Sana maintindihan niya. Oo medyo malapit ako sa kanya. Inaamin ko siguro me crush ako sa kanya. Pero gusto kung makatiyak na totoo siya.

Ayoko ko na kasing umiyak.

~~~

Biyernes noon. Marami ang dapat gawin sa aking desk, pero boring ang hapon. Gusto kung i-relax ang isip ko kaya inaaliw ko sana ang sarili ko habang kausap si Carl. Sukat ba namang nasa kalagitnaan ako ng aking pagsalaysay ng mga hinanakit ay bigla itong nagreply.

CARL: Palalabs, may mga naka online na ayaw kung kausapin. Out muna ako.

At yun. Bigla ngang nawala. Hindi man lang inantay ang aking opinyon, o siguro binasa ang mga kwento ko, bigla na lang nawala. Nawala dahil may mga iniiwasan? Nawalan ako ng gana. Nag hintay pa ako ng mga 30 minutes, wala. Isang oras wala. Uminit na ang ulo ko kasi gabi na wala pa ring katok o pasabi kung nasaan siya. Hindi ako nakatiis, sumigaw ako sa aking wall.

'Yung bang tipong iiwan ka dahil may mga iniiwasan. Eh pwede naman mag off line, pero tuloy ang usapan. Nakaka-asar lang!."

Wala pang limang minuto, meron na itong 460 likes.

Merong 22 comments na karamihan, 'relax.'

At merong gustong makikampi upang bugbugin kung sino ang binabanggit ko. Meron din na-curious, kung sino at ipinag hihimutok ko, dahil tila naamoy nilang may inaantay akong ka-PM. Hindi ko na ito sinagot. Nahiga muna ako sa kama. Ang sakit ng ulo ko.

Anim na oras matapos mawala si Carl, biglang nagpop ang PM niya. Naka offline pero may message. Halatang natakot.

CARL: Ako ba ito?

Nagtanong pa? At naku siguro me pagkatanga, nag like pa sa status ko. Naasar talaga ako.

CHA: Ay hindi.

CARL: Ako to, sorry na.

CHA: Amf! Pwede mo naman kasing i-offline. Alam mo ba yun? Tapos iiwan mo ako.

CARL: Sorry. Me gagawin kasi ako. Susunduin ko ang mga bata.

At nagpapalusot pa? Hindi naman yan ang point ng argumento kaya sinagot ko siya.

CHA: Secondary reason na lang yan eh. Yung unang reason ang hindi ko maintindihan.

CARL: Sorry.

Sa totoo lang, na-miss ko siya. Ewan kung bakit nagalit ako sa maghapon dahil di ko siya nakausap pero na-miss ko siya. Lumambot ang puso ko dahil sa 'sorry'. Ano pa bang pinaka effective na paglalambing na hindi halatang nagtampo ako, kundi ang magtanong na..

CHA: Kumain ka na?

~~~~

Masaya na ang mga usapan namin ng mga sumunod na minuto. Di ko nga napansin, mag aalas dos na pala. Siya sana ang inaantay kung magpaalam kasi parang nagtataka ako, natutulog pa ba ang taong ito? Pero parang ginaganahan pa siyang makipag kwentuhan kaya binigyan ko siya ng palugit. After 30 minutes, matutulog na ako.

Kinabukasan araw ng sabado, naka apat na palitan na kami ng messages, ng biglang mag ring ang cellphone ko. Galing Pilipinas. Kaklase ko nung high school at tinatanong ako kung makaka-attend ako ng reunion sa darating na December. Sabi ko malamang, kung matataon na ang petsa ay nasa Christmas Break ko.

Napatagal ang kwentuhan namin ni Gina dahil sa kung anong mga balitaan. Siguro mga 20 minutes bago kami nagpaalaman. Nang balikan ko ang FB, wala na siya. At me mga sad smileys na iniwan. Kahit offline tinadtad ko siya ng mensahe.

CHA: Sorry

CHA: Tumawag kasi yung classmate ko.

CHA: Sorry na Tay.

Sumagot naman siya at muli kaming nagpalitan ng mga messages. Pero nung malaman kung ok lang siya, kagyat ko siyang iniwan kung mag hanap ng makakain. Ang pinakamadali ay gumawa ng oatmeal. Abala ang isa kung kamay pero pinilit kung i-massage siya.

CHA: Lika, oatmeal tayo.

Nilagyan ko ng mainit na tubig ang oatmeal para iluto, at least five minutes.

CARL: Sige na ok lang ako. Kumain ka na.

CHA: Wala pa, after 5.

Matagal tagal bago siya nagreply. Maya-maya.

Typing message..

CARL: Hindi ko maintindihan. Maling window yata ito.

Una, hindi ko rin gaanong maintindihan ang ibig niyang sabihin. Abala ako sa aking inihahandang oatmeal.

CHA: Ha?

Pero nung ulitin kung basahin ang sinabi niya, nalinawan ako at bigla na namang umandar ang pagka-taklesa ko. Binira ko siya. Straight punch.

CHA: Sabi ko wala pa, nakasalang pa mga 5 minutes pa bago maluto ang oatmeal. Wala akong ibang ka-chat kaya huwag mo akong pagbintangan.

Binaba ko ang I-Pad. Pumunta ako sa sofa at nanood na lang sa pelikula ni Will Smith na After Earth sa HBO.

Magdusa siya.

Pero makalipas ang 15 minutes, nakunsensiya na naman ako. Binalikan ko ang I-Pad, may reply siya.

CARL: Ok.

Yun lang? Walang sorry? Muli ko itong nilapag. Ayokong magreply. Sumasakit na naman ang sentido ko. Gusto ko ng magpahinga. Nung inilagay ko sa lababo ang pinagkainan ko, at kumuha ako ng tubig na maiinom, umilaw ang I-pad, may message siya.

CARL: Matutulog na ako.

Sinagot ko ng mabilis.

CHA: ZZ na rin ako. Nyt.

CARL: Oks.

Dala ko na ang I-Pad sa aking silid. Isinara ko na ang ilaw at nagtaklob ng unan. Yun lang ang reply niya. Ipinikit ko ang aking mata. Siya pa rin ang laman ng aking utak. Hindi ako maka concentrate lalo na nung maala kung linggo na pala. Hindi ako nakatiis, binuksan ko ang PM niya at nag message ng katlong kataga.

CHA: Happy Fathers Day.

Naghintay ako, nakatutok sa PMs. Ilang saglit pa, kumabog ang dibdib ko.

Typing message...

CARL: Salamat.

Gusto kung isipin na ok ang lahat pero nakakaramdam ako sama ng loob. Muli kung ipinikit ang aking mga mata. Pinilit kung matulog kahit masakit ang aking ulo. Pero bakit hindi ako mapakali. Mga sampung minuto pa ang lumipas hindi kinaya ng aking dibdib. Baka naman nagkamali ako. Baka naman na-offend.

Ayoko ng ganito. Parang nasasaktan ako. Kaya nag PM ako.

CHA: Matutulog ba tayong may tampuhan?

Naghintay ako. 5 minutes. Wala.

CHA: Ito ba ang gusto mo?

10 minutes. Wala pa ring reply.

Isinara ko na ang aking FB. Nakatagilid sa kama, nagkumot ako ng mahigpit at tinakpan pa ng unan aking mukha, habang akap-akap ko ng mahigpit ang isa pang malaking unan. Sa gitna ng dilim sa silid, sa loob ng aking makapal na kumot at yapos na ulan, iniyakan ko si Carl hanggang sa makatulog nung gabing iyon.

I miss him. I think I love him, that much.

~~~

Napakasakit ng mga sumunod oras hanggang umaga. Hanggang maghapon. Wala atang dumaang minuto na hindi ko sinilip ang aking FB sa PMs. Sa kahit kunting mensahe galing sa kanya. Wala akong natatanggap. Wala siyang posts sa wall, walang indikasyon na nagbubukas siya.

Hanggang dito na lang ba?

Halos wala ako sa sarili buong maghapon, hanggang mag-damag. Sumunod na araw, inantay kung muli si Carl pero wala. Tanghali, hindi na ako nakatiis. Nag PM ako at nag bigay ng numero kung saan niya ako tatawagan, paglapag ko sa Pilipinas. Dalawang tulog na lang, uuwi uli ako. At inaasahan na sa susunod na biyernes ay magkikita na kami ng personal. Sana ok lang siya. Sana ok kami.

Sana magkita kami.

Sa ikatlong araw, at sa mahigit 10 messages na paghahanap ko sa kanya, umilaw ang mundo ko at tila nawala ang pagod ko sa buong linggo. May reply na siya.

CARL: Dadating ako.

Napangiti ako sa tatlong smiley faces na ipinalipad niya sa akin. Oras na para mag impake. Uuwi ako!

Siyyet! nagreply na siyaaa. :D

~~~

Naghahanda na ako ng aking mga gamit nang maalala ko si Paul.

Uuwi ako. Me katatagpuin. Hindi naman yata fair kung hindi ko sa kanya sasabihin, na I'm falling in love with someone. Ayokong maging two-timer. Kailangan namin mag-usap. Kailangan tapusin na namin lahat ng namagitan sa amin.

Sa aking silid, mga alas nuebe na ng gabi. Patay na ang mga ilaw at tanging kandila na lamang sa pasamano ang liwanag. May maliit na mesa, at sa taas nito ang malaking poster nf Fast and Furious.

Lumuhod ako.

"Paul, you know I love you. Maraming salamat sa mga gabing pinaligaya mo ako." Hindi ako nakatingin sa poster. Nakatingin ako sa maliit na mesa, sa baba ng poster. Naroon kasi ang aking 5 inch, vibrator. Nakatirik rin itong parang kandila patayo, malapit sa may titi ng lalake sa poster. Tumayo ako at dinampot ito.

"Goodbye Paul. Mamimiss kita." Sabi ko sa aking vibrator, hinadkan ko ito at isinilid sa isang kahon ng sapatos upang itago sa cabinet. Medyo naluha ako sa pag hihiwalay na ito. Apat na taon din akong pinaligaya ni Paul.

****

Tatlo ang sadya ko sa pag uwi, kaya humingi ako ng emergency leave ng one week sa opisina. Una, naka schedule talaga kami kasama si Emily at ang pamilya ko na magliwaliw sa Palawan. Pangalawa upang ihatid ang aking anak na si Ken na lilipad papuntang US para sa kanyang isang taong apprenticeship bilang seaman. At ang pangatlo -- makita at makausap ko ng personal si Carl.

1...34567...12