A Love of a Lifetime

PUBLIC BETA

Note: You can change font size, font face, and turn on dark mode by clicking the "A" icon tab in the Story Info Box.

You can temporarily switch back to a Classic Literotica® experience during our ongoing public Beta testing. Please consider leaving feedback on issues you experience or suggest improvements.

Click here


Sa mahigit pitong taon na isolated ako sa mundo, ngayon lang muli akong napatingin sa mata ng babae. Kabilang sa isinantabi ko ang mag mahal, manligaw o kaya makipagtalik. Nakatoun ang aking atension sa aking mga anak at sa aking munting kabuhayan.

Pero nang makita ang kanyang kupas na larawan, lumakas ang pintig ng aking puso. Natutunan ko ang private messaging kaya dun ko siya kinausap.

CARL: Hi, thanks for the add. I'm the one who found your I-Phone. Nakuha mo na?

Medyo ilang minuto akong naghintay. At nag browse na mga status. Hanggang sa makita ko sa message box sa baba.

Typing message..

CHA: Aha, ikaw pala ang salarin. Hahaha.

Hindi ako sumagot.

CHA: Yes, nakuha ko na. Salamat. :p

CARL: Buti naman. Hinabol ka pa namin, kaya lang ambilis mo eh.

CHA: Wait, pano niyo po nakuha?

CARL: Natumba ako sa bag mo. Yung papasok ka sa door?

Medyo matagal na sandali bago siya sumagot. Siguro nag isip.

CHA: Ampt! Kayo ba yon? ang kulit niyo ha, nagmamadali ako nun. :D

CARL: Sorry.

CHA: Hindi ok lang. Tingin ko nasaktan ka ah. Ok ka lang? :p

CARL: Am ok. Ayos na.

CHA: Ok, that's good. O sige. Thanks sa pagbabalik ng phone.. :p

CARL: Yes. Welcome. Again, thanks for the add.

CHA: No prob. Sige. Thanks! :p

~~~

Hinayaan ko na siya. Siguro'y may asawa't pamilya na ito. Mga ilang linggo pa ang lumipas, nahilig na akong mag bukas at magbasa ng mga status sa Facebook. Natuto rin akong mag comment. Hanggang sa makita ko ang status ni Emily.

WE'RE OVER FORTY, SEXY AND STILL MADLY IN LOVE.

May picture grab ito galing sa isang site. May mga comments, kaya nakisawsaw rin ako kahit nahihiya.

CARL: Sana makahanap din ako ng lovelife na over 40. :p

Sumagot agad si Emily sa kanyang status.

EMILY: Marami diyan bro. :p

CARL: Papayag kahit me mga anak ako? Hahaha.

EMILY: Oo naman. Hahaha.

Hindi ko inaasahan, biglang nag-pop up ang private message window mula ki Cha.

CHA: Pssst.

Napangiti ako. Kaya mabilis kung sinagot.

CARL: Yes?

CHA: Ilang taon ka na ba?

CARL: 42.

CARL: Ikaw?

CHA: Hmm. 43.

Matagal bago yun nasundan. Siguro mga dalawang minuto. Pero nabigla ako sa tanong.

CHA: Me sabit ka ba?

Natigilan ako. Pero sinagot ko na rin.

CARL: Separated. Ikaw?

CHA: Annuled.

Ewan ko kung bakit tila kinakabahan ako. Parang nang hina ang tuhod ko sa ibinigay nyang impormasyon.

CHA: So, technically, married ka pa?

CARL: Technically yes.

CHA: Ilang taon na siyang wala?

CARL: Seven years.

CHA: So, ilan ang naging love life mo nung nawala siya.

CARL: Wala.

CHA: Niligawan?

CARL: Wala.

CHA: Hahahaha

CHA: ONS?

Napakunot ako ng noo hindi ko alam kung anong ibig sabihin nito.

CARL: Anong ONS

CHA: Ons. Di mo alam?

CARL: Hindi nga, anong ONS..

CHA: One Night Stand.

CARL: Ah.

CHA: So, ilan?

CARL: Wala.

CHA: Hahahahahaha

CARL: Kanina ka pa, anong nakakatawa dun?

CHA: Gaga. Sinong binobola mo ako. Hahaha.

CARL: Cha, huwag kang maniwala. Hindi naman yan sapilitan. Nagtanong ka sinagot kita. Ano ba naman ang mapapala ko kung magsisinugaling ako. It's up to you.

CHA: Kunsabagay. :p

Nung mga sumunod na oras na halos hindi naman namalayan, nag bigay kami ng mga impormasyon sa sarili namin. Nag kwento siya na dalawa ang kanyang anak, at sinabi ko naman sakanya na may tatlong anak na iniwan sa akin ang dati ko asawa. Sinabi ni Cha na nasa Singapore siya at nagta-trabaho doon bilang Finance Auditor sa isang financial firm.

Apat na araw makalipas ng aming mga usapan sa chat room, binagsakan ko siya ng bomba. Isang hapon matapos makauwi siya sa trabaho, sinabi ko ang aking saloobin.

CARL: Liligawan kita.

CHA: Ampt! Ambilis naman. Hahaha.

CARL: Pls. don't laugh. Liligawan kita. At sa oras na ito naguumpisa na ako. :-)

Typing message..

CHA: Ikaw ang bahala. :p

~~~

Sa loob ng ilang araw patuloy ang aming mga pag uusap sa Private Messaging ng Facebook. Nagpalitan kami ng mga larawan ng aming sarili at ng aming pamilya. Halos naging regular na ang PM's na kumustahan at mga pag-alalala sa mga bagay bagay. Meron na laging..

CHA: Kumain ka na?

CARL: Hindi pa, later pa. Ikaw

CHA: Kakain na ako, hindi ako pwedeng magutom. :-)

CHA: Anong niluto mo?

CARL: Walang masyado, tortang talong at nag prito ako ng galonggong.

CHA: Namimiss ko yan, masarap yan. :p

Para kaming mga teenager na nagbabantayan. Naghahanapan. Hindi nakatitiis na mambulabog at sumagot kahit dis oras ng mga gabi. Patuloy ito hanggang makalipas ang tatlong buwan. Nagkaroon na kami ng tawagan.

CARL: Palalabs...

CHA: Tay. How r u?

CARL: Ang init. Nasunog yata ako sa farm.

CHA: Kumusta ang mga kids, andiyan na?

CARL: Oo, nasundo ko na.

Nawala uli mga ilang saglit. Hindi ako nakatiis.

CARL: Kailan ka ba uuwi? Gusto kitang makita.

CHA: Buti naitanong mo. Ahahaha. :-p

CARL:?

CHA: Uuwi ako three weeks from now.

Kumabog ang aking dibdib.

CARL: Talaga. Wow. That's nice.

CARL: Kelan mo ako sasagutin Palalabs?

Matagal. Hindi mabilang ang mga minuto pero naka on-line siya.

Typing message...

CHA: Ayoko ng mag-laro Carl. Pagod na ako. Matanda na ako. Gusto ko companionship na totoo. Magkita muna tayo at nang masagot ang mga bagay bagay.

Naiintindihan ko naman. Nauunawan ko ang ibig niyang sabihin at para sa akin, patas lang na humingi siya ng panahon. Iniwan kung saglit ang mga bagay patungkol sa aking panliligaw. Mga ordinaryong kwentuhan lang sa kanyang trabaho at buhay at sa aking buhay ang naging paksa naman nang mga sumunod na araw. Hanggang sa dumating ang una naming tampuhan.

CARL: Palalabs, may mga naka online na ayaw kung kausapin. Out muna ako.

Isinara ko ang facebook ko dahil naririndi na ako sa mga dati kung reporter, kasamahan at ilang sa mga dating kaibigan na sunod sunod nag-pop up sa message windows. Nung hindi na ako naka tiis, nag logout ako. Sinundo ko ang mga bata, nag luto. Nag log-in ulit ako sa makalipas ang anim na oras. Nagulat ako dahil trending ang status ni Cha.

'Yung bang tipong iiwan ka dahil may mga iniiwasan. Eh pwede naman mag off line, pero tuloy ang usapan. Nakaka-asar lang!."

OH SHIT. Sabi ko nung mabasa ko ito.

Mabilis kung binuksan ang kanyang PM.

CARL: Ako ba ito?

CHA: Ay hindi.

CARL: Ako to, sorry na.

CHA: Amf! Pwede mo naman kasing i-offline. Alam mo ba yun? Tapos iiwan mo ako.

CARL: Sorry. Me gagawin kasi ako. Susunduin ko ang mga bata.

CHA: Secondary reason na lang yan eh. Yung unang reason ang hindi ko maintindihan.

CARL: Sorry.

Parang kinurot ang aking puso. Baka nga me kasalanan ako. Nahimasmasan lang ako ilang saglit sa sinabi niyang huli.

CHA: Kumain ka na?

Napangiti na ako. At nagpatuloy muli sa aming mga palitan ng mensahe. Wala ng tampo. Pero nasundan ang tampuhan, tatlong araw bago siya umuwi.

Sabado. Alam kung wala siyang pasok kaya nakabukas lang ako ng aking Facebook. Madaling kamustahan, at tanungan kung anong ginagawa. Sabi niya nasa opisina siya at nag ligpit, at muling babalik ng hapon. Hindi ko siya ginambala. Paisa isa at matagal ang mga sagot niya. Hanggang sa mag log out ako.

Nung bumalik ako, marami siyang messages.

CHA: Sorry

CHA: Tumawag kasi yung classmate ko.

CHA: Sorry na Tay.

Pinagbigyan ko siya at muling inaliw. Mga ilang minuto. Nawala uli siya. Matagal kung sumagot kahit pitong smiley na ang kumatok sa kanyang PM's. Sabi ko sa sarili ko busy ito. Huli ko na nalaman na nakatulog siya. Naawa ako. Sabi niya lagi siyang puyat. Kahit nitong mga nakaraang araw, alas unse pa lang sa Pilipinas nagpapa-alam na siyang matutulog.

Pero nagugulat ako, dahil bigla na lang nag pop out ang aking window na.

CHA: Gising ka pa?

CHA: Matulog ka na.

CHA: Itigil mo na ang ginagawa mo.

Pero nung hapong yun ng sabado, alam kung panonoorin niya ang pelikula ni Will Smith. Madalang pa rin ang mga messages. Ang huling palitan ng mensahe, sabi niya nagugutom siya. Sabi ko kumain siya.

CHA: Lika, oatmeal tayo.

CARL: Sige na ok lang ako. Kumain ka na.

CHA: Wala. After 5.

Nalito ako sa mensahe. Tuloy biniro ko siya.

CARL: Hindi ko maintindihan. Maling window yata ito.

CHA: Ha?

CHA: Sabi ko wala pa, nakasalang pa mga 5 minutes pa bago maluto ang oatmeal. Wala akong ibang ka-chat kaya huwag mo akong pagbintangan.

Alam kung galit ito. Sasabihin ko sana na, sana natuto akong magbasa ng isip, kaya lang nag alangan ako dahil baka lumala ang apoy, ang naisagot ko na lang.

CARL: Ok.

Alas dyes ng gabi nag-hintay pa rin ako. Alas-unse mag-eexpire ang aking Globe Tattoo kaya nagdadasal ako na sana'y magkausap pa kami. Pero wala.

Nagpaalam na ako.

CARL: Matutulog na ako.

Mabilis siyang sumagot.

CHA: Zz na rin ako. Nyt.

CARL: Okey.

Ilang saglit muli. Naghintay pa ako. Saka lumabas ang huli niyang mensahe.

CHA: Happy Fathers Day.

Matagal bago ako nakasagot. Parang kinuyom ang aking dibdib. Gusto kung maluha dahil sa loob ng maraming taon, ngayon lang ako nakarinig ng ganitong bati. Wala akong masabi kundi..

CARL: Salamat.

At isinara ko ang aking Facebook. Lahat ng gawain. Hanggang sa mag expire ang aking Globe Tattoo. Magdamag akong nagisip. May kasalanan ako. Sumubra yata ang lahat. Baka nakakasakal na ako at kailangan niya ng espasyo. Kailangan niya ng panahon at pansariling oras.

Nararapat lang ata na dumistansiya ako.

~~~~

Sa loob ng tatlong araw tiniis ko na hindi magbukas ng Facebook. Namalagi ako sa farm. Ginawa ang mga ordinaryo kung gawain araw-araw. Gigising ng maaga, magluluto at mag hahanda ng almusal at baon. Mag hahatid sa eskuwela, dadaan sa coffee shop ng mga alas otso at makikipag kuwentuhan sa mga taga media na nagkakape matapos ang kanilang programa. Pupunta sa imprenta ng alas dyes, at papasadahan ang tatlong diyaryo at isang news magazine na pinapatakbo ko, at pupunta sa farm. Makikipag usap sa mga tao ko kung anong mga kailangan nila. Hanggang sa sumapit ang pag sundo, at pag-uwi muli sa bahay.

Nilinga ko ang aking sarili sa panonood ng mga downloaded movies sa gabi matapos naming maghapunan. Sa ikatlong araw. Nakita ko na ang maraming PMs ng paghahanap. Ang isa dito. Ay ang kanyang cellphone number na gagamitin pag uwi sa Pilipinas.

CHA: If you still wanna meet, I will be using this number. Call me. Sana ok ka.

Nag-aral muna ako nag isasagot. Ayoko na ng maraming sinasabi. Bagkus..

CARL: Dadating ako.

At pinaliparan ko siya ng tatlong smiley faces. Doun muling nabuhay ang aming usapan sa PM.

Dalawang araw bago ang takdang pagkikita namin sa Manila, hindi ako mapakali. Hindi ako makatulog. Hindi ko alam kung anong gagawin at sasabihin. Kung pakikipagsalamuha sa mga tao kahit sino -- hindi ako kalianman umaatras. Hindi ako umaatras kahit debate. Pero sa pagkakataong ito, iba ang pakiramdam ko.

Sa loob ng maraming taon, ngayon lang ako nakaramdam ng nerbyos. Pero kailangan ko itong harapin. Ano man ang mangyari kailangan malaman ko ang mga puwang at mga patlang sa aming maikling panahon na pag-uusap sa Facebook.

Pero una sa lahat, kailangan kaming magka-usap ni Kyla ng masinsinan. Panahon na para putulin ang lahat sa amin.

****

Sa aking farm katabi ko ang dalawa kung anak. Alas tres na ng hapon, pinatawag ko si Roger ang aking katiwala.

"Asan si Kyla, Roger."

"Andiyan po, nasa likod boss.."

"Tawagin mo.."

Nagkamot ng ulo si Roger. Ilang saglit pa magkaharap na kami ni Kyla.

"Kailangan mong intindihin na aalis ako Kyla. May nakilala akong babae."

Nakatitig lang sa akin si Kyla. Parang nakikita ko sa mata niya na gustong umiyak. Si Roger ay nasa tabi nito, hindi alam kung anong reaksion sa ginagawa ko.

"Makinig ka Kyla. Limang taon na, sana maintindihan mo kailangan ko ng pera."

Sumagot si Kyla.

"UUNGGGAAA..."

"Ba-bakit boss" Sumabad na si Roger.

"Pumayag ka na dun sa alok ni Abner, ibenta mo na si Kyla.. total andiyan pa naman si Myra, hindi pa rin tayo malulumpo pag-araro.."

"Si-sige boss.."

Malungkot at naluluha ang aking bunsong anak nang hilahin ni Roger si Kyla upang ibenta. Siya ang aming kalabaw sa farm sa loob na ng limang taon. Malaki na rin ang serbisyo nito sa amin, pero wala akong magagawa. Siya lang ang paraan ngayon upang makarating ako sa Manila at makita si Charissa.

****

Ang dating siyam na oras na biyahe mula Legazpi City, inaabut na ngayon ng labing apat na oras papuntang Manila, dahil sa tambak na road re-blocking sa Maharlika Highway. Bagot at nakakapagod ang biyahe nung dumating ako mag-aalas nuebe na ng umaga ng umaga sa Cubao. Alam kung nasa Manila na Charissa dahil namasyal na ito ng Palawan, kasama ang kanyang mga anak.

Hapon kami magkikita sa Makati, at sabi niya kasama ang kanyang anak na lalake. Malakas pa rin ang pintig ng aking puso habang hinihila ko paatras ang oras upang itigil ang pagsapit ng hapon. Pero sadyang mapagbiro ang tandhana, ni hindi nga ako nakapag almusal at tanghalian, napansin ko na lang na ala una na ng hapon. Sumakay ako ng taxi upang puntahan ang lugar kung saan kami magkikita.

Tenext ko siya na nasa lugar na ako, at maghihintay hanggang hapon. Sumagot siyang kasama niya ang anak at inaasikaso lang ang mga papeles nito sa POEA.

Binasa ko ang dala kung libro.

****

"Hi"

Tiningala ko ang babaeng nasa aking harap. Kasama ang isang binatilyo sa tantiya ko ay disinuebe anyos. Namula ako sa nerbyos, nangatog ang tuhod ko dahil hindi ako maaring magkamali.

"Cha."

Tumayo ako upang kamayan ang mag ina. Pina upo ko sila.

"Ano bang gusto niyo.." Nakangiti ako. Pero kinakabahan. Mas matingkad ang ganda ni Cha sa personal. Naupo siya sa tabi ko at nasa harap ang kanyang anak.

"Si Ken, anak ko." Sabi niya.

"Ken." Tinanguan ko ang binata, nginitian. Ngiti rin ang ganti nito sa akin. Hindi ko alam kung ano ang alam niya amin ni Cha.

"So, ano bang gusto niyo." Ulit ko.

"Sabi mo hanggang hot choco lang kami, di hot choco." Nakangiti si Cha sa akin, hindi maalis ang mga mata niya sa aking mukha. Naiilang ako.

"Nagbibiro lang ako, ano baka me gusto kayo baka nagugutom.." Sabi ko.

"Wala, ok na kami kahit juice. Wag ka ng mag-alala."

May mga tao sa paligid namin. Mas lalong lumakas ang pintig ang aking puso. Tumayo ako upang ipag-order sila ng snacks.

"Sama ako.." Sabi ni Cha.

Magkatabi kami ng pumila sa counter, nakatingala sa menu at naghahanap ng snacks. Bigla kung naramdaman, kinurot niya ng maliit ang aking braso.

"Kumusta ka na. Buti naman, nakipagkita ka.." Bulong nito na halos di ko marinig sa ingay ng paligid.

"Usapan ay usapan. Ikaw kumusta ka, are we good.?" Nakatingin ako sa kanya. Hindi maalis ang mata niya sa akin. Tila pinag-aaralan ako.

Pinagmamasdang maigi.

"Siyempre naman, Tay.." Bulong niya. Sabay ngiti. Pantay at maputi ang natural na ngipin nito.

Medyo naging kampante ako ng mga oras na yun, lalo ng naidikit ni Cha ang kanyang braso sa akin. Mainit. Lumuwang ang aking hininga. Hanggang sa makabalik kami sa aming mesa, dala ang mga inorder namin.

"Napagod kami sa pila, dios ko! Ang init sa POEA." Sabi niya.

Ngayon ako naman ang tumititig sa kanyang mga mata. Binabasa ko ang isip at pagkatao ni Cha. May lambing ang bawat bigkas ng tinig. Abala ang binata niyang anak sa cellphone kaya sinasamantala ko ang mga titig ko ki Cha. Kalaunay dinilatan niya ako ng mata na para bang nagtatanong...

What?

Nginitian ko siya.

"Kumusta yung Palawan trip niyo.?" Tanong ko.

"Ay huwag mo ng itanong. Naku, badtrip. Maulan. Halos wala kaming napuntahan sa lakas ng ulan. Isang araw lang kami pinag bigyan, pagkatapos nun, ayon sa hotel lang kami tumambay..badtrip talaga!"

Kung magsalita si Cha, parang hindi higit sa kuarenta anyos and edad. Napailing ako. Hindi mo nga mapagkakamalang me binata at dalagang anak na ito.

May mga ikinikwento pa siya sa Palawan trip. Pero wala na akong naiintindihan na sa sinasabi niya. Mukhang napatagal ang pagkakatitig ko kaya mula sa ilalim ng mesa, naramdaman ko ang palad niya sa aking binti.

"Hoo. Ok ka lang..?" Sabi niya. Kaya bigla akong natauhan.

"So hindi kayo nakapaglibot.. nakapag island hopping?"

"Hindi. tsk. Kung kelan naman kasi, eh di namin alam na me low pressure ayun tumuloy kami, tatlong buwan na ang reservation dun kaya sayang naman.."

Tahimik lang ako. Hanggang sa tumayo si Ken.

"Ma, pupunta lang ako diyan sa kabila. Me nakita akong bag, baka mas maayos yun sa gagamitin ko.." Sabi ni Ken.

"Ha, ah sige, huwag kang magtatagal ha? Baka kung mawala ka diyan.."

Ngumiti ang binata.

"Tito, saglit lang po maiwan ko po kayo.."

"Sige Ken." Tumayo ako ng marahan upang ihatid siya ng tingin.

Nakaalis na si Ken. Nakatanaw pa rin ako sa labas. Nakikiramdam. Alam kung nakatitig si Cha sa akin.

"Hanggang kelan ka dito sa Manila?"

Nilingon ko siya.

"Balak ko sana ngayong gabi aalis lang ako, pero naalala ko, daanan ko bukas yung paglilipatang dormitoryo ng anak ko. Kaya hanggang bukas ng gabi."

"O, saan ka matutulog?" Sabi ni Cha.

"Ayan oh, sa harapan. Kabayan Hotel. Diyan na lang ata." Tinuro ko sa kanya ang hotel sa harapan lang. "Kayo? Uuwi ba kayo ng probinsiya?"

"Hindi na." Sabi niya. "Nandiyan kami kina Emily. Bukas din ng hapon ang alis ni Ken. At sa next day, babalik na akong Singapore. One week lang ang leave ko eh, diba?"

Napakasarap ng mga sumunod na sandali. Kwentuhan. Balitaan. Panatag na ako. May ningning rin sa mata niyang nakikita ko.

At may nasilip akong liwanag sa aking mga katanungan.

Mag-aalas sais na nang magpaalaman kami. Nailang pero inilapat ko ang aking pisngi sa kanya. Kinamayan ko si Ken na nakabalik na dala ang bagong knapsack. Malungkot ang paalaman, pero ayokong makita silang naglalakad papalayo sa akin. Mas nakakalungkot ito. Sinabi kung mananatili muna ako dito at aalis din mayamaya lang upang mag-check in sa harapan.

****

Masaya akong pumasok sa aking silid. Sa mga kilos at galaw ni Cha, parang naging totoo ang aking mga panaginip. Alam kung isang simpleng pagkikita lang ito, pero parang isang napakalaking kaganapan sa buhay ko. Sa loob ng maraming taon matapos isara ang aking isip at puso muli ito nabuksan. At ngayon in-love ako. Nagtext si Cha na tatawag daw siya sa landline ng hotel. Sinagot ko siya agad kung anong line number sa front desk at room number ko.

Upang maibsan ang maghapon pagod, halos wala pang tulog ang aking katawan sa mahabang biyahe, nag shower ako. Nagsipilyo, nag shave ng maliliit na tubo ng balbas. Nagbihis ng damit pantulog. Me dala akong boxer shorts at manipis na t-shirt. Binuksan ko ang TV. Naghanap ng mga mapapanood. Naalala ko ang binili kung tsa'a sa Seven Eleven, kaya dinayal ko ang room service upang humingi ng mainit na tubig. Saglit lang daw sabi nila.

Mag-aalas nuebe na ng mga oras na yun, naka higa ako sa kama at nilalamig sa aircon. Nailagay ko ang channel sa MTV na nagpapatugtog ng mga rock classic mula sa aking kapanahunan.

Me narinig akong katok sa aking pintuan. Ito na ata ang mainit na tubig na aking hiningi. Pero nanghina ang tuhod ko ng buksan ko ang pinto.

"Hi" Si Cha.

"Cha" Nakabihis na ito. Naka-shorts na maiksi, blue casual shirt at sandals. Me dalang paper bag.

"Pasok ka.." Anyaya ko sa kanya.

Pumasok si Cha pero hanggang sa may tabi lang ng pintuan.

"Nalimutan ko kanina, ito pala yung gusto mong dalhin ko sa'yo, tsinelas." Iniangat niya ang isang paper bag.

Naguluhan ako. Tsinelas?

"Pinabili ko?"

"Oo, sabi mo gusto mo ng tsinelas."

Natawa ako.

"Joke yun ano ka ba? Hahaha. Saka I told you, gusto kung tsinelas kahit luma basta't galing sa'yo.." Sabi ko. Nakangiti.

Naalala ko kasi ang pelikula ni Regine at ni Richard Gomez. Pinagsasabihan ng ama si Richard na kaya't siguro hindi pa ito nag aasawa dahil hindi pa niya nakikita ang kabiyak ng kanyang tsinelas.