A Love of a Lifetime

PUBLIC BETA

Note: You can change font size, font face, and turn on dark mode by clicking the "A" icon tab in the Story Info Box.

You can temporarily switch back to a Classic Literotica® experience during our ongoing public Beta testing. Please consider leaving feedback on issues you experience or suggest improvements.

Click here


Hinayaan ko na lang. Nag kuwentuhan kami ni Cha ng mga plano. Plano ko para sa kanya, actually dahil gusto niyang malaman. Ito ay kahit hindi ko alam kung anong plano niya para sa akin pero para walang argumento, sinabi ko ang mga bagay na dapat niyang malaman. Hindi ako pwedeng makasal, dahil wala pang formal annulment of marriage sa pagitan ng aking asawa na nasa Canada. Pero siniguro ko sa kanya, na kung sakaling dumating ito ano mang oras, ano mang panahon -- hindi ako mag aaksaya ng panahon na pakasalan siya. Ang problema sabi ko, saan kami titira kung sa lalawigan nila o sa amin.

Hindi kami magkasundo doon kasi meron din siyang isa pang anak na babae na nangangailangan rin sa kanya. Naisip ko tuloy, bakit ba walang Facebook nung ako ay nag asawa, sana'y nahanap ko siya.

Paglingon sa bandang pintuan, wala na ang lalaking nakatitig sa akin.

Muli kaming nagtalik ni Cha sa hotel. Magdamag na maalab na pagtatalik. Siguro mga alas tres ng madaling araw, inabut rin kami ng sobrang pagod, kaya nagpasya kaming matulog na. Bago niya ipinikit ang mata, nakiusap siya.

"Linggo bukas, dadaan muna tayo sa Quiapo, baka may abutan tayong misa."

Katoliko ako. Pero siguro mabibilang lang araw na nagsimba ako. Non-practicing catholic kung baga, pero dahil nakikiusap si Cha, wala namang mawawala kung makabisita man lang sa Quiapo Church.

****

Alas nuebe ng umaga tagaktak ang pawis ko dahil sa daming tao sa loob ng simbahan. Naki usap ako ki Cha na huwag ng sumabay sa pila papunta sa Nazareno, dahil baka abutan kami ng hapon sa haba ng pila. Sa bandang likuran, nagulat ako kasi ang lalaking nakatitig sa akin na kagabi ay naroon din. Ako pa rin ang tinitingnan. Pilit kung inaalaala kung saan ko nakita ang taong ito, pero walang rumireshitro sa aking isip. Hindi ko na kailangan mag tagal dito, kaya kahit nag dadasal pa si Cha, inalok ko na siya.

"Cha, kailangan na nating umalis.."

"Sandali na lang.." Pinandilatan na naman ako ng mga mata niya, halatang inis.

Paglingon ko muli, wala na ang lalaki sa dati niyang kinatatayuan. Siguro mga sampung minuto pa kaming nanatili sa simbahan hanggang sa magyaya na si Cha.

Pagdating sa labas, nalibang si Cha sa daming mga side walk vendors na nagtitinda nang kung ano ano. Napakabagal ng kanyang paglalakad dahil wala sa daan ang mata niya kundi sa ibat ibang paninda.

Kumabog ang dibdib ko dahil mula sa tinatahak naming daan biglang lumabas sa kumpol ng mga tao ang lalaking kanina pa nagbabantay sa amin. Kahit maraming tao, ang una kung tiningnan ang kanyang kanan kamay, humawi sa kanyang nakabukas na long sleeve papuntang likuran.

Ang distansiya namin ay mga apat na dipa, marami pa ring tao ang namamatigan, pero ng matanto ko na baril ang binunot nito mula sa likuran binitawan ko ang kamay ni Cha. Malakas, papunta sa kanyang kanan -- itinulak ko siya ng malakas.

Narinig ko ang sigaw nito at sigaw ng mga taong tinamaan niya. Splits seconds ng pag-angat ng baril ng lalake, patakbo akong lumundag mula sa isang maliit na mesang may mga tinda at bumigwas hawakan ang kamay na may hawak na baril. Nadakma ko ang braso kaya medyo napababa, bumibigwas na rin ako ng elbow strike mula sa kanan na ang target ko sana ay right temple. Pero bago pa man bumagsak ang siko ko, pareho kaming napatagilid, biglang pumutok ang baril, pataas ang bala.

BANG.

Nagtakbuhan ang mga tao sa ibat ibang sulok, papalayo.

Tumama ang bala sa aking pisngi, nahilo ako at nawalan ng pandinig. Umikot ang aking paningin. Nasilayan ko si Cha na nakahandusay sa lupa at parang sumisigaw habang umiikot ako sa paligid. Naiangat ko pa ang kamay ko sa kanya, senyas na huwag lumapit. Pero hilong-hilo ako at parang kinakapos ng hininga, lumuwa ako dugo sa bibig at umagos rin mula sa ilong. Bago ako bumagsak, isa pang bala ang naramdaman kong bumaon sa aking likuran.

BANG.

Nung bumagsak ako sa sementong nakadapa, nasilayan kung muli si Cha, parang sumisigaw, umiiyak. Pilit na gustong tumakbo sa akin, hanggang sa tuluyang dumilim ang aking paningin kahit nakabukas ang aking matang nakatingin ki Cha. Sa huling yugto ng aking hininga, ramdam kung tumulo ang aking luha sa mata.


PART TWO

*

CHA:

MAGDAMAG NA KAMI sa hotel. Magdamag na rin akong binabagabag ng kunsensiya. Nakailang beses na akong nagmahal, pero bakit lagi akong nasasaktan. Bakit laging ako ang api. Kung ipagpapatuloy ko ang relasyong ito, hindi ko alam kung saan hahantong. Nakaupo lang ako sa kama, mga ilang oras na lang aalis akong muli pabalik sa Singapore pero hanggang ngayon, walang malinaw at maliwanag na usapan kung kung ano ako sa kanya. Naluluha ako nang lumabas siya ng pinto sa CR. Nakatapis, galing sa shower.

"Di ka ba mag-sha-shower? Water is great.. you gonna love it." Nagsindi siya ng sigarilyo, kahit alam niyang naka-aircon, kaya tumayo ako hinawi ang kurtina at binuksan ang bintana.

"Tim, paano naman ako.." Sabi ko. Nakaupo na ako sa isang silya. Paikot ikot siya ng ulo. Nakatayo malapit sa akin. Medyo may katabaan na ang katawan nito, balbon ang dibdib.

"Anong paano ka..?" Sabi niya.

"Ganito lang ba, sex, tapos, tapos na..?"

"Alam mo minsan di kita maintindihan, di ba ito ang gusto mo? Ano bang gusto mo sa akin..?"

"Gusto ko naman ng assurance. Where is this leading us.."

"Cha, paulit ulit naman tayo. May asawa ako. From the very start alam mo yan. May pamilya ako, may mga anak ka. Hindi ako pwedeng mag commit ng bagay na hindi naman doable." Sabi ni Tim.

"Sabi mo hindi mo na siya mahal. Sabi mo me chance na maghiwalay kayo, hanggang kelan ako mag hihintay, hindi na ako bumabata. I need someone..na hindi lang sex." Tumutulo ang aking luha.

Napaupo siya sa kama. Magkaharap kami.

"Look, hindi ako ang unang nag flirt Cha. I did'nt seduce you. Lahat ng tanong mo, sinagot ko ng deretso. Lahat ng mga problema ko, sinabi ko sayo. Nung unang meeting natin, sinabi ko sayo na may chance na magkahiwalay kami, pero huwag mo namang ipilit yan ngayon. Maliliit pa ang mga anak ko."

Umakyat ang dugo sa ulo ko. Anong flirt, anong seduce ang sinasabi ng walang hiyang ito?

"Aba, baka naman nakakalimot ka na ikaw ang nag suggest ng relasyong ito. Anong flirtings anong seniduce!" Tumayo na ako dahil nanginginig na ako sa galit.

"Cha, calm down. Maupo ka. Two hours ago, sumisigaw ka, halos mabale ang titi ko while you were riding me, sabi mo ang sarap, eh saan nang galing yang drama mong yan ngayon?"

Aba! This guy is so fuckin freak!

Sa labis na galit, sinipa ko ang balls niya. Malakas.

TSUG!

"UGGGGG ARAYKUP TANG INA!" Sigaw ni Tim. Namilipit sa tabi ng kama.

"UMALIS KA NA NGA! This is the last time na makikita kita. Ayoko ko nang makita ang mukha mo or your damn idiotic rhymes and poetries ever sa aking Facebook wall. Fuck you!"

~~~~

Sinong hindi agad mai-inlove ki Tim. Nakapa lakas humatak ng bawat titik ng kanyang mga pangungusap. Parang liriko sa aking pandinig.

Sinong hindi madadarang sa tamis ng kanyang tinig. Si Tim ay isang makata. Pure and simple. Kung siguro ang hanap ko lang ay ang makakapuno sa aking pangangailangan pagdating sa kama, mananatili ako ki Tim. Ramdam ko ang init ng kanyang katawan.

Napapailing ako sa aking sarili.

Akala ko nung maghiwalay kami ng aking asawa, makakahanap ako ng isang lalakeng hindi ako paiiyakin. Hindi ako sasaktan. Hindi ako bibigyan ng sama ng loob.

At kaya akong ipaglalaban.

Madaling araw na at papunta na ako ngayon sa airport. Kinundisyon ko ang aking sarili na iyon na dapat ang huli naming pagkikita ni Tim. Ayoko ng maglaro.

Alas singko ang aking flight, kaya pinag madali ko ang taxi. Nag ring ang aking phone at nakita kung tawag mula sa aking kaibigan na si Emily kaya agad ko itong sinagot.

"Sissy."

"Hi, ano nasa airport ka na..?" Tanong niya.

"A, pababa na ako.. malapit na.."

"Ok, oh kumusta si Tim."

"Ah langya, later mamaya mag online ako, I will tell you everything. Wala, walang kwentang tao yun."

"Aww. Ok, ingat Sis."

"Thanks Sis."

Nung ibaba ko ang telepono, nasa airport na kami. Nag aantay ang taxi driver ng kanyang bayad. Inilagay ko ang telepono ko sa side pocket ng bag upang kunin ang aking wallet. Dumukot ako ng ilang peso bills at ini-abut ko sa taxi driver.

Pagtingin ko sa aking relo, 4:30 am na.

Maleletate ako sa boarding.

Nagmamadali akong bumaba. Halos patakbo na ako. Malapit na ako sa pintuan ng biglang atrasan ako ng isang lalake na may kakulitang isa pa sa daan malapit sa may pintuan. Naakapan niya ang sapatos ko kaya muntik na akong matumba. Pero dahil nakaharang ang hila kung bag, natisod siya dun at bumagsak sa ito sa sahig. Narinig kung tumunog ang tuhod at siko nito.

BLAG!

"S-Sorry." Sabi ng lalaki. Pero namimiliit sa sakit. Nagsalubong ang kilay ko dahil sa tingin ko desente naman ang dalawang ito pero parang mga batang nagkukulitan sa daan. Dinampot ko ang nalalaglag na hawakan ng aking rolling luggage at mabilis na lumisan.

"Ano ba kasi, grow up!" Bulong ko sa dalawa na sana'y hindi narinig habang naglalakad ako papalayo.

Pumasok ako sa loob, inihanda ko na ang aking ticket at passport upang maging mabilis ang pagpasok ko. Nakaligtaan ko ng tawagan ang mga anak ko upang magpa-alam. Peste talaga si Tim, marami tuloy akong nalimutan. Narinig kung boarding na ang aking eroplano at halos wala ng laman sa pila, kaya tumakbo na ako. Buti na lang umabot ako kahit ako na yata ang huli.

Humihingal ako, hanggang sa mapasok sa ako sa eroplano. I-deneklara ko na lang na hand carry ang rolling bag ko kasi maliit lang naman ito dahil kunti lang ang dala kung gamit. Balak ko sanang ipasok na lang ito luggage bin, pero nung kinakapa ko na ang aking I-Phone, wala ito sa pinagsidlan kung bulsa. Hinanap kong mabuti, wala.

Shit. Natakot ako. Napabuntong hininga.

Hindi ko namalayan pero sigurado akong nalaglag ko yun sa taxi. Gusto ko sanang bumaba baka mahabol ko pa, pero nakasara na ang pinto ng eroplano at nag bibigay na nag instructions para sa safety. Napaupo ako sa silya, naikungko ang noo sa head rest ng unahan.

Dios ko. Nandun ang mga important files ko, ang aking mga contacts. Wala pang tatlong buwan sa akin ang gadget na yun. Kumakabog ang dibdib ko sa labis na malas. Bakit ba kung minsan nagiging tanga ako, bakit dun pa inilagay. Tiyak nasa taxi yun at sana, maisuli ng driver. Sana makahanap siya ng nakakakilala sa akin.

****

Ako si Charissa. Cha ang karaniwang tawag sa akin ng lahat.

Mula pagkabata, determinado ako sa saking sarili na maging matagumpay sa lahat ng bagay. Bukod sa pakiusap at payo ng aking mga magulang, pinag igihan ko ang aking pag-aral. Consistent honor ako mula elementary hanggang high school, dean's lister sa buong apat na taon sa kolehiyo at nagtapos ng Cum Laude sa kursong Bachelor of Science in Business Administration major in Banking and Finance. Pangalawa ako sa tatlong magkakapatid na itinaguyod ng mag-isa nang aking ina buhat ng mawala ng maaga ang aking ama.

Nang makapasok ako sa Hongkong-Shanghai Banking Corporation, binigyan ako ng grant upang makapag aral ng Masters in Business Administration sa Asian Institute of Management sa Manila. Naging kaklase ko dito si Rolly at naging kaibigan. Scholar din siya ng Allied Bank. Siguro dala na rin ng kanyang magandang itsura at angking talino, medyo nahulog ang loob ko sa kanya. Patapos na ang aming special studies ng mauwi ang aming pagiging magkaibigan sa pisikal na relasyon. Madalas kaming magkita, madalas kaming magtalik sa nirerentahan niyang condo o kaya sa tinutuluyan kung apartment, kung wala ang aking mga kasama. Akala ko ito na ang aking magiging asawa dahil nararamdaman ko ang pagmamahal niya.

Nagkamali ako.

Nagdi-dinner kami sa isang restaurant sa Makati, sabado noon excited kung ibinalita sa kanya ang aking kalagayan.

"Buntis ako.."

Napansin kung tila hindi nalunok ni Rolly kinakain nito. Napainom ng tubig, namutla.

"Sigurado ka?" Nanginginig ang kanyang labi. Nagtataka naman ako, alam niyang expected ito dahil halos wala na kaming ginawa kundi magtalik sa loob ng tatlong buwan. At masasabi kung masarap na katalik si Rolly. Pero sa oras na ito, parang iba ang aura ng kanyang mukha ng sabihin kung nagdadalang tao ako.

"Sigurado, nag pregnancy test ako, tatlong beses dahil delayed ako. Yes, buntis ako."

"Si-sige, pag usapan natin, kain muna tayo." Sabi niya, ngunit parang malalim ang iniisip. Nawala ang kanyang konsentrasyon. Hinayaan ko muna ito dahil akala ko, dala lang ng pagkabigla. Siguro ay hindi niya ito inaasahan.

Natapos kaming halos walang nagsasalita sa aming dalawa. Pinakiramdaman ko ang mga kilos niya. Malalim pa rin ang iniisip.

"So, pano ako? Paano tong dinadala ko?" Naglalakad na kami sa path walk sa may Ayala magkatabi lang. Mahina ang mga hakbang sa paglalakad. Mag aalas nuebe na ng gabi kaya kunti na lang taong makakasalubong.

Kagyat siyang napatigil. Hinarap ko siya.

"Hoy, anong plano.."

Gusto kung sabihin niyang 'Pakakasal tayo', o kaya 'pwede bang bigyan mo ako ng time, para masabi ko sa parents ko, pero pakakasalan kita'. O kaya, 'Mag hintay lang muna tayo, pero pananagutan ko yan'. Kahit ano, basta magkasama kami.

Hindi sumagi sa isip ko ang sagot niya.

"Me asawa at anak ako Cha, nasa La Union." Pagtatapat nito. Nakayuko.

Tumigil yata ang mundo. Tumigil yata ang mga relo. Lumipad yata ang lahat na kutsilyo at tumusok sa dibdib ko. Tumigil yata ang aking paghinga. Tama ba ang narinig ko?

"Me asawa ka? me anak ka?" Nanginginig ang labi ko. Umiinit ang aking mukha at tenga.

Tumango siya, marahan.

Humagulhol ako sa sama ng loob. Napaupo ako sa aming kinatatayuan. Nakapalda ako pero nawalan ako ng paki-alam sa paligid.

"Ba't hindi mo naman sinabi.." Naiusal ko habang naghahabulan ang aking hininga bunga ng aking mga hikbi. Naiisip ko ang mangyayari sa akin, ang magiging tingin sa akin, ang reputasyon, ang aking pangarap.

Yumuko siya upang damputin ang balikat ko para sana'y patayuin, ngunit inalis ko ang kanyang mga kamay. Me mga napapatigil ng mga tao na umuusyuso sa amin.

"Cha.." Mahinang tawag nito.

"I hate you..huhuhuhu!" Sabi ko sa gitna ng hagulhol.

Minsan, tanga ako.

***

Tanga nga siguro ako, pero hindi naman ako bobo. Hindi ko kayang pumatay ng tao, kaya hindi sumagi sa isip ko ang abortion. Itutuloy ko ito, kahit ako lang.

Hindi ko na siya nakita mula ng gabing magusap kami. Hindi na siya pumasok sa last three weeks ng aming klase at balita ko biglang nag resign sa pinapasukan niyang bangko. Ito na yata ang pinakamapait kung karanasan ng mga panahong iyon.

At yun, sa edad na 25, nag dadalang tao ako. Nag-iisa.

Bukod ki Gemma na kasama ko sa apartment, hindi ko na sinabi sa mga kasamahan ko ang aking pagdadalang tao. Ginawa ko ang obligasyon ko sa HSBC at tinapos kung makuha ang diploma sa AIM. Hanggang sa mga limang buwan ang aking sinapupunan. Hinarap ko ang aming manager at sinabi ang kundisyon ko. Pinayagan naman ako nilang bigyan ng meternity leave. Tatlong taon pa ang aking kontrata sa kumpanya dahil sa ibinigay sa aking grant, kaya ipinangako ko sa kanilang babalik ako. Hindi ko na hinanap si Rolly. Hiniling ko na lang na tamaan siya ng kidlat.


Umuwi ako sa amin sa Iligan City. Buti na lang tinanggap ako ng maluwang ng aking ina at mga kapatid sa gitna ng aking kalagayan. Tinulugan nila ako sa aking pagbubuntis hanggang sa maisilang ko si Ken. Sa gitna ng unos, si Ken ang nag bigay sa akin ng pag-asa upang magpatuloy. Siya ang naging inspirasyon ko kung muling makabangon.

Pero kailangan pa ang kunting sakripisyo, upang maisakatuparan ang aking mga pangarap na maging maayos ang aming pamumuhay. Magdadalawang buwan na si Ken, ng bumalik ako sa Makati upang tuparin ang pangako ko sa HSBC. Iniwan ko muna ang aking anak sa aking ina at bunsong kapatid dahil walang mag aasikaso nito sa Manila. Tuwing ika-dalawang linggo, umuuwi ako o kaya tuwing isang buwan, sila Mama at Ken ang pumupunta sa akin sa Manila.

Ganito ang mga naging routine ko sa loob ng mga sumunod na buwan at taon. Ang naging karanasan ko sa ama ni Ken ang nagpatibay at nagpamulat sa aking pagkatao na maging maingat sa pag-ibig. May mga nanligaw sa akin, pero parang naging mapait ang unang mga buwan ko kaya isinantabi ko muna ang aking puso. Mag iisang taon na ang aking anak ng muli akong magka boyfriend ngunit hindi nagtagal. Naging mas masalimoot na kasi ang aking schedule dahil sa madalas kung pag uwi.

Ang pag uwi ng madalas ang nagtagpo sa amin ni Benjie. Kaibigan siya ng aking kuya ngunit mas matanda ako sa kanya ng dalawang taon. Si Benj ay may-ari ng shop na nagkukumpuni ng mga motoriklo kaya madalas sa kanya ang aking kapatid na mahilig sa bike racing. Tsinito si Benj at tulad ko, maputi at makinis ang kanyang balat. Kundi nga lang tuwing hapon eh puno ng grasa ang mga mukha, kamay at paa nito, may itsura siya kung nakaayos. At dahil madalas sa amin, nalaman kung nagtapos siya ng Mechanical Engineering at nakagpag trabaho na sa ibang bansa ng mga dalawang taon. Umuwi siya ng makaipon ng kunti at nagtayo ng negosyong ito, dahil pareho ng aking kapatid mahilig din siya sa bike racing.

Mabilis ang mga pangyayari sa amin ni Benj, dahil na rin siguro sa udyok ng aking kapatid at sariling ina. Tinimbang ko naman ang lahat, mula ng manligaw ito sa akin. Nakakaramdam ako ng sweetness, lalo na pag dinadatnan ko siyang kalaro o kalong kalong si Ken. Hindi naglaon naging magkasintahan kami. Patapos na ang kasunduan ko sa HSBC ng yayain niya ako ng kasal. At dahil halos kakampi ni Benj ang aking pamilya at nagustuhan ko na rin siya pumayag ako sa hiling nito. Limang buwan matapos siyang mag propose, ikinasal kami sa Iligan. Umuwi na ako ng tuluyan sa amin matapos mag resign sa HSBC at namasukan sa bagong bukas na bangko doon. Maayos naman ang bahay sa taas ng shop ni Benj. At malapit lang sa aming bahay. Karaniwan na para sa akin ang mga tao at ibat ibang mukha sa shop tuwing hapon, pero habang tumatagal, mas dumadami pa ang mga dumadayo sa amin.

Anim na buwan matapos ikasal kami, ipinagbuntis ko si Abby.

***

Ewan kung bakit magibat ang unang dalawang taon namin ni Benj. Hindi ko alam kung bakit nagkaka problema kami sa finances, samantalang sa tingin ko kumikita naman ang kanyang shop at kumikita naman ako. Maliliit pa at ang mga anak namin, kaya di pa gaanong malaki ang gasto, pero nag aalala ako kung bakit kinakapos ako. Nag bu-budget ako at naglilista hanggang sa pinakahuling kailangang sabon. Pero sa tingin ko may problema ng. Lagi akong kinakapos sa budget.

Hindi ako sana'y manghiram dahil hindi ko naman nga gawain, pero nung kinausap ko si Benj, uminit ang ulo niya. Kesyo trabaho ko ang budgeting at kesyo na sa akin ang pera. Baka daw ako ang me problema dahil may mga bagay na binibili kong hindi naman kailangan.

Bagama't hindi ko sinabayan ang galit niya, kalmado lang akong nakipag usap, na sabi ko baka dahil mas tumaas ang dosage niya sa bisyo. Ang halos gabi gabing inom, at halos gabi gabi siyang wala.

Sumiklab ang galit niya kaya hinambalos ng kamao ang hapag kainan. Lumikwas ang mga plato at baso, na muntik pang tamaan si Abby na nasa tabi ko. Siguro dahil natakot, umiyak si Ken na nasa may tabi niya. Nagkasagutan kami sa unang pagkakataon dahil sa inasal nito sa harap ng mga bata. Kumalma siya nung makitang ako na ang galit. Di ko siya pinansin at kinausap sa loob ng ilang araw.

Sa ikatlong gabi, inamo niya ako. Humingi ng tawad. Nagpaliwanag na dahil lumalakas ang bills niya sa shop at dahil marami ang hindi pa nakakababayad lalo na sa mga piyesang binili mula sa aming bulsa. Naintindihan ko naman, kaya pinag bigyan ko siya agad, pero pinagsabihan ko na hindi maaring basta na siyang sisigaw sa harap ni Ken at Abby. Ngumiti siya at muling humingi ng tawad. Niyapos niya ako at hinalikan. Sa sex, para sa akin, sa lahat ay mas gusto ko ay si Benj. Iba ang resistensiya niya dahil hangga't hindi ako nangangatog at nanghihina sa mahabang oras na pagsisiping, hindi siya titigil. Hindi ko alam kung saan niya kinuha ang agimat sa bagay na ito.

Sa ika limang taon ng aming pagsasama, medyo minalas ako. Maganda na ang posisyon ko sa maliit na bangkong pinapasukan ko sa Iligan, pero walang ano-ano'y biglang nagkaroon ng malaking problema.